_pang-masa
^

Pang Movies

Dahil sa babae, actor pinuputakan sa social media ang actor na nakaribal

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ayaw na lang patulan ng male celebrity na ito ang pagpaparinig sa kanya ng isa pang male celebrity over social media.

Marami ang nagtatanong may Male Celebrity A (MCA) kung may away ba sila ni Male Celebrity B (MCB)?

Panay kasi ang post ni MCB ng mga maaanghang na mga salita at obvious na si MCA ang pinapatamaan nito.

Sey naman ni MCA ay hindi siya aware sa issue with MCB dahil hindi naman niya pina-follow ang mga social media accounts nito.

“Wala akong alam talaga. Hindi ko nga alam kung pina-follow niya ang mga social media accounts ko.

“Ilang tao na ang nagtanong sa akin kung may away ba kami? As far as I know, wala naman.

“Hindi naman kami close pero nagbabatian naman kami. Pareho kami ng barber shop.

“Anyway, kung sino man ang pinariringgan niya, wala akong concern. Unless mabanggit niya ang name ko, doon na kami magkakaroon ng problema,” diin pa ni MCA.

May nakapagsabi kasi na may kinalaman sa babae ang galit ni MCB kay MCA. May isang certain girl daw silang parehong na-date at bina-bad mouth daw ni MCA si MCB dito.

“Imposible kasi ang tagal ko nang hindi nakipag-date,” diin ni MCA.

“Siguro more than a year na. Kasi may girlfriend naman ako.

“Kung tungkol sa babae, hindi naman ako naglilista ng names ng mga naging dates ko noon.

“At hindi ko business ang manira ng ibang tao, lalo na sa isang lalake.

“Hindi ako chismoso o mahilig sa chismis.

“Tsaka kung talagang may problema siya sa akin, harapin niya ako at hindi ‘yung nagpuputak siya sa social media.

“Mga lalake naman kami kaya maaayos namin ang anumang gulo in a manly manner. Hindi ‘yung puro post-post lang,” pagtatapos pa ni MCA.

Sheena gusto na uling magka-boyfriend

Gusto na raw magkaroon ng boyfriend ni Sheena Halili at sana raw ay sa 2016 ay meron ng magparamdam sa kanya.

Nakakadalawang boyfriends pa lang si Sheena sa showbiz. Ito ay sina Rainier Castillo at Rocco Nacino.

Parehong nauwi sa hiwalayan dahil nagkaroon si Sheena ng matinding problema sa mga ito.

Kaya nilulunod na lang ni Sheena ang kanyang sarili sa trabaho at happy siya na maganda ang ratings ng sinasamahan niyang teleserye na Destiny Rose.

Sa set nga raw ay natutuwa sila kay Ken Chan dahil in character daw ito parati kahit na breaktime nila.

Mga anak nina Carlo J at Donna V, gustong sundan ang kanilang yapak

Hindi nakakapagtaka kung balang araw ay ma­ging director at producer din ang mga anak nila Direk Carlo Caparas at Donna Villa na sina CJ at Peach Caparas.

Kasama ang dalawa sa pelikulang Angela Markado, pero hindi lang sila mga artista kundi may involvement sila sa production.

Si Peach ang naging assistant director ni Direk Carlo samantalang si CJ ay pinag-aaralan ang pagiging isang producer ng pelikula.

“Hindi ko naman hilig ang maging artista. Mas gusto kong sundan ang yapak ng dad ko bilang isang director,” diin pa ni Peach.

“Bata pa lang kami ni Kuya CJ ay exposed na kami sa mundong ito. Nakita n’yo kaming lumaki at naging maganda ang experience namin.

“Now, we want to continue that legacy.”

Si CJ naman ay gustong pasukin ang business ng pagpo-produce ng pelikula.

“I know it’s not that easy being a producer. I saw that in my mom and dad.”

Next year ay more than 50 films ang gagawin ni Direk Carlo at gusto ngang ma-involve ng kanyang mga anak sa mga proyekto, hindi bilang artista, kundi bilang katulong sa paggawa ng mga ito.

ACIRC ANG ANGELA MARKADO CARLO J DIREK CARLO HINDI KAMI MCA MGA NAMAN SHEENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with