Alam kaya ni James Paulo may gustong iregalo kay Nadine sa Pasko!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 28, 2015 - 9:00am

Wow, Salve A., it’s a good 26 days na lang at Christmas day na.

No wonder that during the presscon for Paulo Avelino, who is the latest addition to the high rating James Reid and Nadine Lustre starrer, On The Wings of Love (OTWOL), he was asked kung anong Christmas gift ang ibibigay niya kay Nadine, since he is supposedly after her in the series.

“Perhaps, a camera,” ang maliksing sagot ni Paulo.

And he added, “kasi si Nadine, as Leah in OTWOL, plays  someone engaged in advertising. Naturally, mahilig siyang mag-take ng picture.

“At napansin kong ganun nga siya in real life. In the few days that I’ve worked with her and James.”

In OTWOL, Paulo plays Simon, executive of an adverti­sing firm, where supposedly nagtatrabaho si Leah (Nadine).

Magkakagusto siya kay Leah at liligawan niya ito. Na siyempre ay ikagagalit ni Clark.

“I look forward to my confrontation scene with James, I observed, too, that he has improved much as an actor,” pahayag pa ni Paulo.

Compared daw to his role in his last series, Bridges of Love, where he had for his co-stars Jericho Rosales and Maja Salvador, mas may challenge daw para sa kanya itong OTWOL.

Paulo got good reviews, too, for his role as General Gregorio del Pilar sa pelikulang Heneral Luna.

Nadine dadalhin ang buong pamilya sa Japan

Of Nadine naman, her wish this Christmas, totohanan ha, is to be able to bring her family to Japan. Makapag-stay man lang daw sila doon ng one week, alam niyang masisiyahan na ang kanyang pamilya.

It looks like mare-realized ni Nadine ang wish niyang ito for her family. At least, nakapag-ipon na raw siya ng sapat, para panggastos nila.

Bukod nga kasi sa OTWOL, maraming endorsements si Nadine, of course, with James, sa kasalukuyan. And she gets paid well.

Shamcey walang pa ring ideya kung babae o lalaki ang iluluwal

Ibang sorpresa naman ang naghihintay sa mag-asawang Shamcey Supsup, who placed third runner-up in the Miss Universe in 2011, held in Brazil, at Lloyd Lee, this Christmas.

Anytime raw kasi in December, or perhaps, early January, Shamcey will give birth to their first baby. Na hanggang ngayon, would you believe, wala silang ideya kung ano ang gender.

Bagama’t kung ilang ulit ding nagpa-ultra sound si Shamcey, kusang ‘di nila itinatanong sa obstetrician ni Shamcey kung babae o lalaki ang kanilang anak.

Kaya, hanggang ngayon din daw, wala pa silang tiyak na pangalang ibibigay sa bata. Bagama’t ipinamamahala na raw ni Shamcey ang bagay na ito kay Lloyd.

Both want to have their baby’s name starts with the letter “N”.

Neither of them would explain why.

Juday at Ryan, inaabangan na rin ang paglabas ni Baby Luna

Judy Ann Santos and husband Ryan Agoncillo, on the other hand, not only know na the gender of their baby — babae — they also have name prepared for her, Juana Luisa.

She will be called Luna, for short.

Luna is expected din na ipanganak either sa buwan ng December or early January.

Lucho, their eldest, turned five years old last October. Yohan is now 10 years old.

O, ikaw, Salve A. anong early wish mo for Christmas?

ACIRC ANG BABY LUNA BAGAMA BRIDGES OF LOVE GENERAL GREGORIO LEAH NADINE PAULO SALVE A SHAMCEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with