Aktres nagmatigas sa ama ng anak!
Jun Nardo (Pang-masa) - November 27, 2015 - 9:00am

Sinubukan pala ng isang aktor na balikan ang naanakan niyang aktres. Bigo nga lang siyang makumbinse ang dating partner na magsama silang muli sa isang bubong.

Ayon sa malalapit sa aktres, napuno na raw talaga siya sa ugali ng ama ng anak. Kahit mahal pa rin ng aktres ang aktor, utak na ang inuuna niya. Kumbaga, napundi na sa ugali ng aktor kaya kahit gusto rin niyang makipagbalikan eh pinipigilan na lang ang sarili.

Sa ngayon, may boyfriend na aktor ang aktres. Naramdaman niya sa bagong boyfriend ang ma-spoil siya’t walang sakit ng ulo. So lalong mahihirapan ang ama ng anak ng aktres na suyuuin siya nang wagas, huh!

Enzo nagsalita sa nangyayari kina Lovi at Rocco

Dinipensahan ni Enzo Pineda ang kaibigang si Rocco Nacino sa tsismis na hiwalay na sila ng girlfriend na si Lovi Poe. Aware din siya sa tsismis at para sa aktor, “I trust Rocco at hindi totoo ‘yung nangyayari!”

Kasabayan ni Enzo si Rocco sa Starstruck. Kaya naman kilalang-kilala na niya ang aktor.

 “Alam ko kung gaano niya kamahal si Lovi at hindi niya gagawin…Wala siyang gagawin para masira ang relationship nila,” sabi ng aktor sa press launch ng bago niyang GMA series na Because of You.

May pera naman daw si Rocco kaya hindi siya naniniwalang nilustay niya ang diumano’y pera nila ng girlfriend.

“May pera naman si Rocco and he and Lovi are doing well sa showbiz career at negosyo nila,” sey niya.

Sana nga lang ay maging private na lang sina Lovi at Rocco para walang issues na ibato sa relasyon nila. “I know they can handle ‘yung mga issues na ‘yan,” diin ni Enzo.

AiAi inaayos na ang kinabukasan

Matapos tulungan ang isang simbahan sa Fairview, QC sa pagsasagawa ng isang benefit concert, ang anak naman ang gagabayan ni AiAi delas Alas sa itinayong resto business sa Capitol Commons sa Pasig City.

Kagabi ang formal opening ng resto bar ng anak ni Ai na si Sancho, ang Skinita. Nagkaroon na ito ng soft opening months ago pero kagabi lang nagbukas nang pormal sa publiko.

Kahit naman abala sa career, may oras pa rin si AiAi sa mga anak. Nais niyang maging settled na ang future nila kung sakaling mag-lie low na siya sa showbiz. Pero mukhang malayo pang mangyari dahil mabenta pa si AiAi sa TV at sa movies, huh!

ACIRC AKTOR ALIGN ANG BECAUSE OF YOU ENZO LEFT LOVI QUOT ROCCO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with