^

Pang Movies

Pinagbibintangang ex ni Nadine nag-deny!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Speaking of James and Nadine, nagre-react ang fans ng kanilang loveteam. Imbiyerna ang karamihan sa fans nila dahil balitang nakipaglandian ang aktor kay Julia Barretto sa isang restaurant.

Although dedma naman si James sa issue na ‘yon sa kanila ni Julia, gusto ng fans niya na magpaliwanag siya.

Inis din ang fans ng magka-loveteam dahil sa sinasabing um-attend si Nadine sa pool party event ng isang nagngangalang JC Arcinue na ex-boyfriend daw ng young actress.

Pero mukhang wala namang dapat ‘ipagselos’ ang fans dahil nagpaliwanag ‘yung JC na hindi talaga silang dalawa ni Nadine at very supportive nga raw ito sa career ng Viva/ABS-CBN star.

Anyway, kahit may mga ganoong intriga, marami namang fans nina James at Nadine ang solid pa rin ang suporta sa On The Wings of Love nila sa Kapamilya network.

Albie never na raw nabanggit si Andi

Ilang non-showbiz friends ni Albie Casiño ang nakatsikahan ko. Nagtataka sila kung bakit palagi na lang may issue between their friend and Andi Eigenmann.

Sa tuwing nakakasama raw nila ang kaibigang aktor, hindi naman daw ito nagkukuwento ng kahit na ano tungkol sa ex-girlfriend. Hindi rin daw nagkokomento ang aktor tungkol sa anak ni Andi.

Umaasa ang non-showbiz friends ni Albie na matatapos na ang issue sa kanilang kaibigan at kay Andi at sana raw ay patuloy na gumanda ang career ng binata (hindi binatang-ama dahil never ngang inamin ni Albie na siya ang ama ng anak ni Andi).

Kung makikilala lang daw ng mga tao ang totoong Albie, napakabait daw nito. Kahit noong kabarkada pa lang nila si Albie sa De La Salle Greenhills ay maganda na raw makisama ang kanilang kaibigan at ngayong sikat na rin itong artista (mas sumikat ang binata dahil sa On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre) ay hindi raw nagbabago ang kabaitan ni Albie sa kanila.

PBA ililipat daw sa Channel 13

Noong Wednesday ginanap ang trade launch ng new TV5. Mara­ming advertisers ang nalula sa line-up ng new shows ng TV network na pinangungunahan ng businessman na si Mr. Manny V. Pangilinan.

Mukhang magki-click ang pamamahala nina Mr. Noel Lorenzana at Boss Vic del Rosario sa lalo pang pinalakas na TV5.

Si Boss Vic ang sinasabing tamang tao na kinuha ng grupo ni MVP para tumulong sa pagpapaangat sa TV5.

Magkakaroon nga pala ng big announcement sa entertainment press ang mga taga-TV5 tungkol sa mga magiging pagbabago sa Kapatid network.

Sa mga kuwento pa lang, sobrang exciting ang new TV5!

Kung tutulog-tulog nga raw ang iba, baka ma-occupy raw kaagad ng TV5 ang number two position sa TV industry once na mag-start nang ipalabas ang kanilang new shows.

Teka! Totoo ba na ang PBA ay ililipat ni Boss Vic sa IBC-13?

ALBIE

ALBIE CASI

ALIGN

ANDI

ANG

LEFT

NADINE

ON THE WINGS OF LOVE

QUOT

RAW

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with