Baby Letizia nina Dingdong at Marian, nambibitin!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 24, 2015 - 9:00am

Excited naman ngayong makita ng mga DongYan fans kung sino talaga ang kamukha ni Baby Letizia, ang amang si Dingdong Dantes o ang inang si Ma­rian Rivera.  Dahil picture lang ng cute little right hand ni Baby Z ang pinost ni Dingdong sa kanyang Instagram account, ilang pictures ang natanggap namin na iyon daw ang bagong silang.  Isa iyong akala namin ay totoo na parang pinapaliguan ang baby at may hawig pa kay Dingdong, pero iyong isang natanggap namin, parang one month old na ang baby at nilagyan pa ng headband.  Huwag kayong mainip, very gene­rous naman ni Dingdong na mag-post ng pictures ni Marian noon, si Baby Z pa ba ang hindi niya ipo-post.

Erik at Alden isinauli ang TF sa concert para kay Mama Mary

Sa katatapos na For The Love of Mama concert sa SM Mall of Asia Arena, nagpasalamat si AiAi delas Alas sa lahat ng mga sponsors nila para makalikom ng pondo sa pagpapalaki ng Kristong Hari Church sa may Commonwealth, sakop ng Novaliches Diocese, sa lahat ng mga artistang nagbigay ng free time nila para mag-guest sa concert at sa mga taong nanood sa kabila ng masikip na traffic.

Ikinuwento niya na binigyan niya ng honorarium sina Erik Santos at Alden Richards pero isinauli sa kanya ang sobre pero ang biro niya, ang Six Priest in the City, hindi raw isinoli ang sobre nila, kasi may mga parish church din daw sila.

Pero naging emotional si AiAi bago ipinasok ang image ni Mama Mary, na siya raw naging lakas niya sa maraming pagsubok na dumating sa kanya.  Siya raw ang lagi niyang tinatawagan lalo noong time na akala niya ay hindi na siya makakaba­ngon pa.  Kaya ang pasasalamat niya bukod kay Lord at kay Mama Mary, sa mga taong sumuporta sa kanya para muli siyang makabalik.

Alden matagal nang gusting magpasalamat kay Lord at Mama Mary

Si Alden Richards naman ay matagal na palang gustong magpasalamat kay Lord and Mama Mary through a show kaya nang imbitahin siya ni AiAi delas Alas, hindi siya tumanggi at naglaan siya talaga ng oras na wala siyang ibang commitment na kasabay ng concert.

Four songs from his GMA album, ang live niyang kinanta with the band, isa ay ang How Great Is Our God bilang pasasalamat niya sa lahat ng mga blessings na tinatanggap niya at kung naging inspirasyon siya para sa mga tao.  Kaya naging emosyonal rin siya nang  isunod niyang kantahin ang God Gave Me You at sinabayan pa siya ng audience sa pagkanta.

John Lloyd at Bea, level up na ang set up

May katwiran si Direk Cathy Molina na mag-isip na baka hindi na magustuhan ng mga nagmamahal kina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo) ang A Second Chance na sequel ng One More Chance na ginawa niya eight years ago.

Hindi na raw ito pakilig kundi mas mature na dahil kinasal na sina Popoy at Basha.  So may mga sexy scenes na.  Pero marami kaming nakausap na hinihintay na nila ang muling pagtatambal nina JLC at Bea dahil na-miss na nila ang magka-love team na matagal nang walang movie at teleserye together.

Kaya sigurado na raw ang pagpila nila ngayong opening day na showing na rin in cinemas nationwide.  Gusto raw nilang malaman kung ano ang mababago sa characters nina Popoy at Basha ngayong mag-asawa na sila.

ACIRC ANG BABY Z BASHA KAYA MAMA MARY MGA NBSP NIYA POPOY SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with