Edu hindi nag-i-expect ng tulong ni Luis
Jun Nardo (Pang-masa) - November 24, 2015 - 9:00am

Walang dudang super-qualified si Edu Manzano sa tatakbuhang posisyon sa 2016 bilang Senador. Edukado, matalino at subok na sa public service, huh!

Pero kahit may mga anak na puwedeng tumulong sa gastos sa kampanya, ipinagdidiinan ni Doods na never siyang tatanggap ng campaign fund lalo na  ‘pag galing kay Luis Manzano.

“Hindi ako tatanggap ng pera sa anak ko!” diin ni Edu sa intimate dinner sa mga kaibigan na press.

Pati nga ang pagtulong ni Luis sa kampanya ay hindi inaasahan ng actor-politcian.

“I understand na may mga clauses sa endrosements sa contract niya pagdating sa politicians. Ayo­ko namang dahil lang sa akin ay magkaroon ng problema. Wag nating pilitin ang ganoon,” rason ni Doods.

Eh in good hands naman si Edu dahil nasa slate siya nina Sen. Grace Poe at Chiz Escudero, huh! Kaya naman tama ang sabi niyang tamang panahon at oras ang pagbabalik niya sa pulitika!

Carlo J. nag-nature tripping nang mamahinga sa pagdidirek

Dinirek naman ni Carlo J. Caparas ang sarili sa ilang taong pagbabakasyon niya sa showbiz. Ibinahagi niya sa presscon ng comeback film niya bilang director na Angela Markado na sinubukan niya ang nature-tripping at ibang gawain nu’ng absent siya sa mundo ng pelikula.

Nangapa raw siya sa first two shooting days upang pag-aralan ang cast. Nang ma-feel na niyang ready na siyang harapin ang ka­mera, doon na bumalik ang sigla niya!

Eh sabi naman ng asawang si Donna Villa, nakita niya sa asawa ang bagong energy sa pagdidirek ng AM na pinagbibidahan ni Andi Eigemann. Kumbaga, ganadung-ganado na naman ang asawa sa pagdidirek na lubos niyang ikinatutuwa.

Pero ayon kay Donna, iba ang producer ng AM, ang Oro Siete Films at hindi ang kanilang Golden Lions. Next year pa ang full blast ng company nilang nagbigay ng breaks sa malalaki nating artista ngayon.

Sa Dec. 2 ang showing ng Angela Markado na idi-distribute ng Viva Films.

Aktor na may anak na, inlababo sa aktres na may anak na rin

Sobrang inlababo raw ngayon ang single parent na actor sa dyowa niyang single parent din na aktres. Mukhang mapapanatag na ang aktres sa actor dahil tunay na pagmamahal ang pinadadama sa kanya ng boyfriend.

Wala raw keber ang actor kung ilang lalaki na ang nakarelasyon ng aktres. Eh, marunong din naman kasing magtago ang aktres at walang pag-amin mula sa kanya, kaya sa mata ng publiko, tsismis lang lahat ang nasusulat sa kanya.

Eh ang actor naman, matapos makipaghiwalay sa ina ng mga anak, wala nang ibang babaeng pinatulan pa, huh!

So todo-buhos ng pagmamahal ang actor sa girlfriend na parang teenager na ngayon lang muling umibig!

Lovi ayaw patulan ang mga patutsada ni Rocco

Dumepensa na si Rocco Nacino na wala silang joint account ng girlfriend na si Lovi Poe at walang third party sa kanilang relasyon. Buti na lang, quiet lang si Lovi at walang pinu-post na maintri­gang mensahe sa social media accounts niya, huh!

Siyempre, may drama series pa sa GMA 7 na Beautiful Strangers sina Lovi at Rocco. Although may tsismis na hindi sila nagkikibuan sa last taping day ng programa, nanatili pa rin silang propesyonal!

Naku, pasalamat si Lovi at tahimik lang ang friend ni­yang si Heart Evangelista sa intriga sa kanya at sa boyfriend. Wala kasi sa image ni Heart na kati-katera, huh! Or else, lumutang na kung ano ang totoong estado nina Lovi at Rocco!

Naku, ang hirap kaya ng may joint account ng dalawang lovers pa lang, tapos, maghihiwalay! Mahaba-habang pro­seso ‘yan bago nila ma-gets ang kani-kanyang datung, no!

ACIRC ANDI EIGEMANN ANG ANGELA MARKADO BEAUTIFUL STRANGERS CARLO J CHIZ ESCUDERO DONNA VILLA LOVI NIYA ROCCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with