Paulo may banta kina James at Nadine!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 24, 2015 - 9:00am

May bagong manggugulo sa loveteam nina James Reid at Nadine Lustre sa On The Wings of Love dahil papasok na si Paulo Avelino sa nasabing top-rating serye bilang Simon, ang bagong boss ni Leah (Nadine) sa advertising firm.

Si Paulo ang pinakabagong karibal ni Clark (James) kay Leah pero ayon nga sa ADProm head ng Dreamscape Entertainment na si Biboy Arboleda, ang role ng aktor ay ‘yung tipong kahit gusto mong mainis ay hindi mo magawa dahil gwapong-gwapo ka sa kanya.

Ayon naman kay Paulo, excited daw siya sa kanyang role kahit na nga ba nangangalahati na ang show nang pumasok siya.

“As we all know, I’m coming in halfway, parang kalahati na, siguro. Medyo late na ako papasok and kung baga, it’s an honor to be part of the cast and to be considered na masama sa teleseryeng ito lalo na nga’t alam naman natin na hit ang On the Wings of Love.

“Working with the loveteam, I’m excited, I’m pretty excited. Na-excite ako sa maibibigay kong bago sa show.”

Pero ngayon pa lang ay nilinaw ng aktor na hindi siya manggugulo sa JaDine loveteam.

“Hindi totally manggulo pero mayayanig at palakasin lalo ang On The Wings of Love”.

Pero kahit hindi siya manggugulo, siyempre ay hindi maiwasang mayroon at mayroon pa ring magagalit sa kanyang JaDine fans. Ready ba siya na ma-bash?

“Hindi naman maiiwasan ‘yun. Minsan, nadadala talaga tayo sa mga nakikita natin sa mga karakter sa TV. Kahit naman ako, pag may napapanood akong mga shows, pag may sumisingit or pag may tingin mong threat. . .”

Dapat bang ma-threaten si James kay Paulo?

Natawa ang aktor at aniya, siguro raw ‘yung karakter ni James ang pwedeng ma-threaten.

“Pero not their. . .well, alam naman nating they’re good friends and hindi naman ako nandu’n para sirain ‘yung pagkakaibigan nila,” he said.

Magsisimula nang mapanood si Paulo sa OTWOL next week.

Ayaw umasa sa tulong ng anak Edu sariling ipon ang gagastusin sa kampanya!

“Hindi ako tatanggap sa mga anak ko,” ang sagot ni Edu Manzano nang tanungin namin siya sa dinner-tsikahan with the entertainment press last Monday kung tutulungan ba siya financially ng panganay niyang si Luis Manzano sa kanyang kandidatura bilang Senador.

“Ako ang magbibigay sa kanila,” dagdag pa niya.

Kahit mag-offer si Luis sa kanya?

“Wag na. Pinaghirapan nila ‘yan,” he said.

Hindi rin daw niya inoobliga si Luis na ikampanya siya.

“Minsan kasi, you know, ‘yung ibang produkto, ayaw nila na ‘yung mga endorsers nila get involved sa ano (politics). So, ayokong malagay sa alanganin ang anak ko,” sabi pa ng aktor.

‘Yung pagtakbo niyang Senador actually ay matagal na raw nilang pinag-uusapan ni Luis.

“Pero I would always tell him na “anak, sandali, wala naman tayong ganun’ng klaseng pera. Saka, nakita ko na, eh. Ang pera na ginagamit ngayon sa eleksyon, unbelievable. Minsan, nagugulat ako kung saan nanggagaling.

“So, kami, kaunting savings, sabi ko, “anak, hanggang dito lang tayo. I’m not sure kung handa akong makipaghiwalay du’n sa aking pinaghirapang ipunin.”.

Dahil nga tatakbo si Edu, ang showbiz ay isa­santabi na muna niya. Ang huli niyang teleserye ay ang Bridges of Love at nag-enjoy nga raw siya doing the soap.

“At saka, magkakaibigan pa rin kami nung cast hanggang ngayon, nagtatawagan, nagdi-dinner.”

Ikakampanya ba siya ng mga former co-stars niya sa Bridges of Love?

“Sinabi lang nila, iboboto nila ako,” natatawa niyang sabi.

ACIRC AKO ANG BIBOY ARBOLEDA BRIDGES OF LOVE HINDI LUIS MINSAN PAULO PERO SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with