^

Pang Movies

Marian niluwal na si Baby Z!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isinilang na nga kahapon, Monday, November 23, ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang first baby nila ni Dingdong Dantes via normal delivery at 5:25 a.m. sa isang hospital sa Makati City. She weighs 6.9 lbs. Narito ang post ni Ateng Rams sa kanyang Instagram account:

“I just received the best news from Dong (Dingdong) and the best Christmas gift from God.  Lolola na ako.  Salamat sa lahat ng nag-pray for Yan and Zia.  Mahal po namin kayo.  Ito na ang pinakamagandang balita sa araw na ito. Congratulations @dongdantes and @therealmarian.”

Nag-trending agad sa Twitter, nationwide and worldwide ang pagsisilang ni Marian, mula sa mga DongYan fans here and abroad.

Our congratulations sa brand new father and mother. Nagpadala agad ng pagbati sa kanyang unang apo at sa mag-asawang Dong at Yan mula sa Madrid, Spain, ang ama ni Marian, si Fran Javier Gracia Alonso.

Maine nagpapaligaw kay Alden

Kilig to the max na naman ang fans sa pagpapalitan ng mga sweet nothings nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) lalo na at pinatatawa ni Maine si Alden after ang nangyari noong Saturday na nadulas at tumama, nasugatan ang tuhod ng binata habang naka-piggy back ride siya.

Nang dumating si Lola Nidora (Wally Bayola), kinumusta niya si Alden na sinagot nito na okey na siya.

Tinanong niya ang dalawa kung sila na ba talaga dahil ang tingin daw niya ay totoo na ang ginagawa nila.  Hindi nakasagot agad ang dalawa at sabi, hindi pa raw, wala pa raw balak si Alden na ilayo sa Maine sa kanyang mga lola.

Tanggap daw naman niya si Alden, pero advice ni Lola, ligawan muna ni Alden si Maine at payag naman siyang magpaligaw si Maine, nangako naman ang da­lawa na iyon ang gagawin nila.

Kris buntis na

Tumataas pa ang ratings ng Little Nanay at ayon sa mga nakakausap namin, nagugustuhan daw nila ang naiibang story ng drama series na may halong comedy na nagpapasaya sa kanila.

Excited daw silang malaman kung ano ang mangyayari kay Tinay (Kris Bernal) matapos magpakasal kay Archie (Hiro Peralta) at iniwanan nito kasama ang mga parents niyang sina Edgar (Keempee de Leon) at Vivian (Gladys Reyes) dahil nalilito siya sa pangyayari.  Pero ang pinaka-highlight ay mabubuntis na agad si Kris.

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

ATENG RAMS

DINGDONG DANTES

FRAN JAVIER GRACIA ALONSO

GLADYS REYES

HIRO PERALTA

KAPUSO PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA

KRIS BERNAL

LITTLE NANAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with