Snooky mukhang in love na uli sa dating ‘BF’ noong 80’s
Jun Lalin (Pang-masa) - November 22, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nakita sina Snooky Serna at ang dating vice-governor ng Bulacan na si Ramon Villarama sa Smart Araneta Coliseum noong Saturday.

Supporter ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang dating vice-governor at sinamahan siya ni Snooky na nanood.

Noong late 80’s na-link na sa isa’t isa sina Snooky at Ramon at natatandaan ko pa na ipinakilala sa akin ng aktres ang noon ay manliligaw niya.

Hindi kinumpirma sa akin ni Snooky kung boyfriend na ba niya uli si Ramon nang usisahin ko siya tungkol doon, pero sinabi niyang madalas silang lumabas na magkasama.

Nang tsikahin ko si Ramon, nabanggit ko sa kanya na naging controversial siya noon dahil na-link siya sa isang aktres at ipinagpilitan niya na si Snooky lang ang na-link sa kanya.

Sa hitsura ni Snooky, mukhang in love siya kay Ramon.

Anyway, naikuwento ni Snooky na after ng My Faithful Husband teleserye na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa GMA 7, kung saan ay first time siyang gumanap na kontra­bida bilang mahaderang mother-in-law ni Jennylyn, bibigyan daw uli siya ng teleserye ng Kapuso network.

In fairness, behaved si Snooky habang ginagawa ang nasa­bing teleserye, kaya natuwa sa kanya ang big bosses ng Siyete at nag-promise na bibigyan uli ng bagong series.

Noong una, marami ang duda na kunwari lang ang pagbabago ng aktres at magiging sakit na naman siya ng ulo ng mga taga-production, pero hindi na nga nangyari ‘yon.

Mukhang natuto na si Snooky at alam na niya na kung mag-iinarte siya ay maraming ibang mga aktres na walang trabaho na puwedeng ipalit sa kanya!

Dating sikat na singer, pinanghihinayangan sa rami ng ipinaretoke

Mukhang masyadong nasisiyahan ang isang da­ting sikat na singer na nagpasikat ng ilang love songs noong araw sa pagbisita sa kanyang doktor.

At anong klaseng doktor ‘yon? Plastic surgeon!

Pansin na pansin kasi na ibang-iba na ang mukha ngayon ni dating sikat na singer na minsan ay nag-artista rin.

Sabi ng kanyang mga kakilala, mas maganda siyang tingnan noon.

‘Yung ilong nga ni dating sikat na singer ay sobrang lumiit, na hindi naman bumagay sa kanya, huh!

Sabi nga ng ibang mga kakilala niya, mas fresh ang dating niya noon at sana ay hindi na lang niya masyadong ipinaretoke ang kanyang mukha.

Sabi nga ng iba, sa hitsura ngayon ni dating sikat na singer ay hindi na sila matutukso. ‘Yun na!

Kapamilya artists, hindi na pumapayag magpa-fan sign

Karamihan pala sa mga artista ng ABS-CBN ay hindi na pumapayag na mag-fan sign.

Nadala na raw kasi ang mga artistang ‘yon.

Kadalasan daw, pinapalitan sa pamamagitan ng photoshop ang nakalagay sa fan signs.

Eh, minsan, napapahamak ang mga artistang ‘yon sa TV network management, kaya para walang issue sa kanila, hindi na lang sila pumapayag na mag-fan sign.

Pero may iba rin naman na pumapayag pa rin na mag-fan sign like Martin Nievera sa ASAP 20 kahapon.

May isang lumapit sa singer/TV host at nagpahawak ng fan sign, hindi naman tumanggi si Martin, pero nagpaalalang huwag ie-edit ang fan sign na pinahawakan sa kanya.

ACIRC ANG DATING DENNIS TRILLO FAN HINDI JENNYLYN MERCADO MANILA UNIVERSITY BLUE EAGLES SABI SIYA SNOOKY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with