^

Pang Movies

Luis at Angel natameme sa pinag-uusapang kasalan nila

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – May mga nagsasabi, dapat daw si Sarah Lahbati ang gumanap na bagong Darna sa ABS-CBN.

Maganda kasi ang katawan at husto ang taas ng aktres.

Kaso, hindi puwede dahil may anak na si Sarah samantalang walang anak si Darna sa istorya.

Dapat ay dalaga, matipuno ang katawan at hindi malamya ang susunod na Darna.

Teka, bakit kaya, parang hindi na napag-uusapan ang planong wedding ng dapat na Darna na si Angel Locsin at ni Luis Manzano? Kung ano’ng ingay noon, tipong parang napakatahimik naman ngayon. Baka naman maunahan pa sila ng ilang pares na binibuild up sa ABS-CBN ngayon?

Gusto pa namang magkaapo na ni Gov. Vilma Santos.

Karen Davila kinakatakutan na

Akala raw siguro ni Karen Davila, sina Sen. Miriam Santiago at Sen. Loren Legarda ang kanyang ini-interview kaya ito nagpakawala ng malalalim na tanong kay Alma Moreno.

Nakakaawa tuloy si Ness, sukol na sukol sa mga tanong ni Karen. Hindi ba gaanong kilala ni Karen si Alma, kaya’t rumatsada ng matitinding tanong sa interview? Natatakot na tuloy ang iba na magpainterbyu kay Karen.

Peluka ng mga lola, ‘di basta-basta

Kwento ni Jennifer Sevilla, dating That’s Entertainment star, bawat wig na ipinagagamit niya kina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Paolo Ballesteros), ay ibinabagay niya sa mga isinusuot na mga damit na likha naman ni Petite Tesoro ng Makibang, Baliuag, Bulacan. May shop ng wigs si Jennifer sa isang mall at pwedeng makapamili kung anong kulay ng buhok ang type ng mga customer.

ALMA MORENO

ANG

ANGEL LOCSIN

DARNA

JENNIFER SEVILLA

KAREN DAVILA

LOLA NIDORA

LOLA TINIDORA

LOREN LEGARDA

LUIS MANZANO

MIRIAM SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with