Ryan dalawang ‘baby’ ang inaabangan bago mag-Pasko!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 20, 2015 - 9:00am

Nag-start nang mag-taping si Ryan Agoncillo ng bago niyang ‘baby’ ang local version ng internatio­nal franchise show na Cash Cab, na hino-host ni Oli Pettigrow. Magiging cab driver si Ryan na magbibigay ng cash prizes sa magiging pasahero niya. No problem kay Ryan at sa ma­nager niya ang pagtanggap sa offer dahil once a week lamang ang taping niya na ang original episode ay mapapanood every Thursday with replays within the week. Mapapanood ito sa AXN Philippines pagkatapos ng The Voice U.S. Finals.

No problem naman si Ryan sa daily noontime show na nagpapaalam lamang siya kapag may taping ng Cash Cab at ng Sunday sitcom niyang Ismol Family na usually ay nagsisimula ang taping after ng Eat Bulaga.

Kaya lalong magiging masaya ang Holiday Season ni Ryan at ng kanyang mga anak na sina Yohan at Lucho dahil anytime before Christmas or New Year ay isisilang na ng wife niyang si Judy Ann Santos ang baby girl nilang binigyan na nila ng pangalang Juana Luisa na may nickname na Luna. 

Kaya naman itinuturing ni Ryan na dalawang baby ang darating sa kanya ngayong December, si Baby Luna at ang Cash Cab. Congratulations!

Delegate Sa katatapos na APEC Summit may masamang pagkatao?!

Totoo kaya ang nasagap naming post mula sa isang Twitter account tungkol sa isa sa mga top delegates sa katatapos na APEC Summit? Hindi maganda ang sinasabi tungkol sa nakaraan at kasalukuyan niya at tiyak na ikadidismaya ng mga humahanga rito. 

Sa ending ng report tungkol sa kanya, advice ng nagsulat na since mahilig siyang mag-weekend getaway, may safer place raw siyang dapat puntahan, ang Syria.

Yaya Dub selos na selos kay Cindy

Kung super kilig ang 18th weeksary nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) noong Thursday, malungkot naman ang AlDub Nation dahil hindi nila nakita si Yaya kahapon na ayon kay Lola Nidora (Wally Bayola), iyak nang iyak dahil sa nangyari sa kanila ni Alden. Pilit kasing ipinakakasal ni Lola Babah (AiAi delas Alas) kay Cindy (the Russian model, Alina Bogdanova) ang binata. 

Mangiyak-ngiyak din si Alden na hawak-hawak at kinakantahan ang picture ni Yaya. Hindi raw niya susundin ang gusto ng Lola Babah niya nang tumawag ito.

Dumating si Cindy na may dalang Russian cake at gusto raw makausap si Yaya. Nang makita niya si Alden sa split screen ay sinabihan ito na halikan at yakapin siya pero hindi pumayag ang binata at mas lalo pa niyang niyakap ang picture ni Yaya. Pero hindi pala si Cindy ang ipinadala ni Lola Babah, dumating ang riding-in-tandem na may dalang invitation at iniimbita niya sina Nidora at Tidora (Paolo Ballesteros) pati na si Yaya Dub sa kanyang mansion para sa isang sumptuous lunch, ngayong Saturday, November 21. 

Tinanong ni Nidora si Alden kung may alam siya tungkol sa invitation pero sumagot itong wala raw siyang alam. Wala ring alam si Cindy nang tanungin ito. Ayaw ni Nidora pumunta pero sabi ni Tidora, baka raw naman ibigay na ni Lola Babah ang mansyon nila at ang utang na one million pesos dahil hindi makita ni Alden ang singsing na nagkakahalaga ng 21 million pesos.

Bago nagtapos ang kalyeserye, nakita si Alden habang kinakantahan ang picture ni Yaya Dub ng God Gave Me You at nag-fansign ng “see you tomorrow, miss na kita, get well soon. Yaya.”

ALIGN ANG CASH CAB CINDY LEFT LOLA BABAH NBSP QUOT RYAN STRONG YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with