^

Pang Movies

Insensitive raw Kris sablay ang emote sa karma

Jun Nardo - Pang-masa

Palpak na naman ang post ni Kris Aquino sa sunburn na dinanas niya sa Filipiniana gown na isinuot niya last Thursday sa luncheon ng APEC delegates spouses sa Ayuntamiento de Manila sa Intramuros. Quits na raw sila ng mga pasaherong dumanas ng indulto sanhi ng traffic na dala ng APEC economic meeting, huh!

Wala kasing comparison. Mas matindi nga ang dusa ng mga pasaherong APECtado ng traffic lalo na ‘yung mga naglakad para lang makarating sa destinasyon nila, huh!

Kris should have been more extra careful sa sensitive na posts sa Instagram account niya. Balat lang ang nasunog sa kanya kumpara sa commuters na sumakit na nga ang ulo, eh na-stress pa sa biyahe nila, huh! At nakuha pang magpa-picture ni Kris upang ipakita ang sunburn niya, huh! Ano ‘to?

How ironic dahil ang title ng festival movie ni Kris ay All You Need Is Pag-ibig, ‘no? Instead of spreading love, galit ang lumalaganap ngayon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa Kuya P-Noy niya, huh!

Jerome at Marlo nag-uunahan kay Janella

Pumapayag na pala ang mother ni Janella Salvador na si Janine Desiderio na paligawan ang anak pagsapit ng kanyang 18th birthday sa Marso. Eh ang dalawang aktor na matindi ang crush sa dalagita ay sina Jerome Ponce at Marlo Mortel.

Unang nagsama sina Janella at Jerome sa hit morning series na Be Careful With My Heart. Pero sa lead series ng Teen Princess na Oh! My G, si Marlo ang kapareha niya at waley si Jerome.

Kaya naman nang pagsamahin sina Janella, Jerome, at Marlo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Regal na Haunted Mansion, aba, pasiklaban ang dalawang teen actor na ma-impress ang kanilang leading lady, huh! Komo nga horror ang tema ng Jun Lana movie, todo ang pag-aalaga nila sa dalagita lalo na’t haunted talaga ang mansion na ginamit sa shooting!

Alice, Carmi, at Ina nakipagsabayan kay Solenn

Nakipagtalbugan sina Alice Dixson (45), Carmi Martin (51), at Ina Raymundo (38) kay Solenn Heussaff (28) sa isang viral na picture nilang apat na naka-swimsuit!

Tanging sina Alice at Solenn lamang ang naka-two piece habang one piece swimsuit naman ang suot nina Carmi at Ina, Salve A!

Sa apat, sina Alice at Ina ang nag-cover sa isang men’s mag. Kahit may edad na, alagang-alaga pa rin nila ang kanilang katawan, huh!

Sa isang komento, nakalagay na represented daw ang 70s, 80s, 90s, 2000s silang apat!  Walang arte-arte hindi gaya ng ibang mga artista ngayon na ang daming eklay bago mapasuot ng swimsuit!

Magkakasama ang apat sa Marimar na bida si Megan Young.

ALICE DIXSON

ALIGN

ALL YOU NEED IS PAG

ANG

INA

JANELLA

JEROME

LEFT

MARLO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with