Dingdong tuloy sa Paris kahit hindi pa nanganganak si Marian
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 19, 2015 - 9:00am

A text from our friend in Paris ang nagsabing normal na ang sitwasyon sa lugar nila, malapit sa Champs Elysees. 

Back to work na ang mga tao, although minsan daw ay may nababalita pa rin na raid sa ilang lugar. Basta sila raw ay laging alert na lamang sa anumang pwedeng mangyari.

Kaya pwedeng matuloy si Dingdong Dantes sa pagpunta ng Paris, as Commissioner at Large ng National Youth Commission (NYC) para ihatid sa Conference in Paris sa France ang one million signature campaign for their Climate Change advocacy. 

Pero ang makapagpapabago ng isip ni Dingdong na tumuloy ay ang pagsisilang ng wife niyang si Marian Rivera

Hanggang sa ngayon kasi, hindi pa rin nagsisilang si Marian at siyempre, ayaw naman niyang wala siya sa tabi ng asawa sa pagsisilang ng kanilang baby girl.

Dahil daw kay Rocco... Lovi aalis ng ‘Pinas na broken-hearted

Tiyak na tuloy na rin ang bakasyon ni Lovi Poe kasama ang kanyang mommy sa Paris. 

Naipangako niya itong birthday gift sa mommy niya na dadalhin niya sa Eiffel Tower. 

Since next week ay finale week na ng Beautiful Strangers safe na ang pag-alis nila ng November 27 at maybe maayos na maayos na rin ang kalagayan sa Paris.  May tanong lamang, will Lovi mend a broken heart sa pagpunta nila sa Paris? 

Matatandaan na last year, sa Eiffel Tower niya sinagot si Rocco Nacino

But lately, pawang malulungkot ang posts nila sa kanilang mga Instagram accounts. 

Dasal ng fans nila sana ang nangyayari sa kanila ay part lamang ng roles na ginagampanan nila sa Beautiful Strangers na ang mas mahal ni Noel (Rocco) ay si Kristine (Heart Evangelista) at ang mahal ni Lovi ay ang husband niyang si Lawrence (Benjamin Alves).

Alden at Maine muntik nang magtukaan sa harap ng camera!

Sinundo ni Alden Richards si Maine Mendoza (Yaya Dub) sa bahay nila nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros). 

May dala siyang bouquet of roses, siomai, at hopia. Pumayag naman si Nidora na mag-date ang dalawa at doon lamang naman sa dati nilang lugar sa loob ng Broadway studio. Muntik nang mabulilyaso at nagkaroon ng konting away sina Alden at Maine nang tumawag si Cindy pero sinabihan ni Alden na sarado ang studio, nasa bahay lamang siya at may sakit at umubu-ubo pa.

As usual, naroon pa rin ang isaw na paborito ni Yaya at saka siomai (iyon ba ang symbol ng tabi-tabing daliri na lagi nilang ipi­nakikita sa isa’t’isa na ikinangi­ngiti nila lagi). Eighteen roses ang give ni Alden para sa 18th weeksary nila at nag-waltz sa music ng God Gave Me You na unang sinayaw nila noong Tamang Panahon. Muntik pa silang magkahalikan nang paikutin ni Alden si Yaya. Masayang nag-uusap ang dalawa nang biglang dumating si Cindy at natagpuan niya kung saan nagdidate ang dalawa. Ipinakilala ni Alden si Yaya, ang tanging mahal niyang babae. 

Naglaban sa modelling ang dalawa pero dahil mataas si Cindy, kinarga si Yaya ni Alden na parang bata para mas tumaas ito. Biro nina Joey de Leon at Allan K., para-paraan daw si Alden. Sabi ni Cindy magpapakasal sila ni Alden na ipinangako sa kanya ni Lola Babah.

Ending ng date, nagalit na naman si Maine kay Alden. Ma-resolve kaya iyon ngayong Biyer­nes?

After the kalyeserye, since nasa studio na si Maine, kasama siya nina Alden at Sam YG na maghu-host ng ATM with the BAEs segment.

ACIRC ALDEN ALIGN ANG BEAUTIFUL STRANGERS CINDY LEFT NBSP NILA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with