Direk Bobot may ginintuang puso
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 19, 2015 - 9:00am

Touched kami, Salve A., sa gesture na ginawa ni direk-producer Edgar Mortiz sa all-around boy ng ABS-CBN na si Bentong, when he (Direk Bobot, his pet name) gave him all his winning sa game program na Deal Or No Deal, which amounted to more than P200,000.

Nangangailangan daw ng malaking halaga si Bentong dahil may sakit yata ito.

To Direk Edgar, Bentong could only repeatedly utter ‘thank you, thank you’. Yes for the love.

Parang ama na raw ang turing niya kay Direk Edgar ever since.

Ex kasi ng inang si Gov. Vi Luis panay ang tukso kay Direk Bobot

Deal or No Deal as we all know is hosted by Luis Manzano, who we all know, too ay anak ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

To those na mga kaedad nina Direk Bobot and Ate Vi, familiar ang Vi-Bot (Vilma and Bobot) love team. Both also doesn’t deny, till now na maging real life love team sila.

No wonder na panay ang tukso kay Direk Bobot ni Luis. Na kung nagkataon nga naman ay posibleng naging kanyang ama.

But as we all know, again ha, ang aktor na si Edu Manzano ang father ni Luis. At kasal ngayon ang mother niyang si Ate Vi kay Senator Ralph Recto.

Happily married din si Direk Bobot kay Millet Santos.

Two of his sons have followed Direk Bobot’s footstep as a TV director, Frasco and Badji Mortiz.

Badji appears too, occasionally sa Banana Sundae.

Child star na si Clarence Delgado, araw-araw na mapapanood

Pinaka-busy among his fellow child actor si Clarence Delgado, na araw-araw ay napapanood na rin sa top series na Pangako Sa’Yo, bilang anak ng bagong pasok din sa programa na sina Bayani Agbayani at Mickey Ferriols.

Two times a week lang dati napapanood si Clarence sa programang Home Sweetie Home every Saturday at Sunday sa Goin’ Bulilit.

No need to tell you who the lead actors of Panga­ko Sa ’Yo are, Teenage love team Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are just two of them.

The more senior sa kanila in the cast are Angelica Panganiban, Ian Ve­neracion and Jodi Sta. Maria.

Tatlo pa bale ang bagong addition to the cast ng Pangako Sa ’Yo, sina Tirso Cruz III, Sue Ramirez, at Patrick Sugui.

Sina John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga, plus Rico J. Puno, Sandy Andolong and Karla Estrada, ang nasa cast naman ng Home Sweetie Home.

Mga kapwa niya child performers ang mga co-stars ni Clarence sa Goin’ Bulilit.

Comedian-actor na bareta ang ginagamit na panghugas sa plato, endorser na ngayon ng liquid detergent

Dating nakatira sa isang tenement house ang comedian-actor na ito.

Pero pinalad siyang sumikat at isa na siya ngayon sa pinagpipitagang ta­lent, especially sa kanyang network.

Ibang-iba na, of course ang maganda, moderno at malaking bahay na tinitirahan niya ngayon at ng kanyang pamilya.

Ewan kung sumasagi pa sa kanyang isipan ang tenement house na kanyang dating tinirhan. Obvious na ‘di na rin niya naaalala ang dating baretang panlaba nila ang kanilang ginagamit din sa paghugas ng kanilang mga pinagkainan.

Isa na kasi sa maraming endorsements niya sa kasalukuyan ay ang liquid soap na mas magandang gamitin diumano na panghugas ng pinagkainan at pinaglutuan.

Wonder if nahuhulaan na ngayon ng papasikat ng personality sa showbiz na siya ang tinutukoy namin sa blind item na ito.

Ikaw Salve A, would you know?

 

ACIRC ALIGN ANG BENTONG CLARENCE DELGADO DIREK DIREK BOBOT HOME SWEETIE HOME LEFT QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with