^

Pang Movies

Jose at Cuandos, sanay nang wala sa kalyeserye

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahan-dahan at unti-unti nang nakakasanayan ng mga follower ng kalyeserye na wala sa eksena si Jose Manalo.

Nariyan naman daw si Maine Mendoza aka Yaya Dub, Alden Richards at syempre ang magkapatid na sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Ang masakit lang, sa pagkawala ni Jose nadamay na nawalan ng trabaho ang mga tauhan niyang Cuando, Cuando, Cuando.

Labing-lima yata yung mukhang ahente ng funeral parlor na alalay ni Jose ang nawala sa eksena. Ano ba ang dahilan?

Kung kelan pa naman malapit na ang Pasko, saka pa siya nawala.

Atleast nakamenos gastos ang Eat Bulaga, dahil marami din yung Cuando, Cuando na binabayaran sa araw-araw!

Mabuti pa nga ang mga Rogelio, Rogelio hindi natitinag sa likod ni Lola Nidora! Wala kasi silang mga kapritsong hinihingi. Ibibigay naman tiyak ang kapritso, sa pagdating ng tamang panahon, sabi nga ni Lola Nidora! Anyway, wala namang problemang hindi nalulutas, who knows, baka bukas makalawa, nandiyan na uli si Jose, dala-dala ang mahabang hagdanan para sumayaw.

ALDEN RICHARDS

ANG

CUANDO

EAT BULAGA

JOSE MANALO

LOLA NIDORA

MAINE MENDOZA

PAOLO BALLESTEROS

ROGELIO

WALLY BAYOLA

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with