Pero mahilig mambitin hunk actor laging may live show sa gym para sa mga bading
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 18, 2015 - 9:00am

Sa isang sikat na fitness gym pumupunta ang hunk actor na ito.

Sa naturang gym ay maraming bading na nagpapanggap na tunay na lalaki. Malalaki rin ang mga katawan nila at sumasabay sila sa pagwu-workout ng aktor.

Kapag dumating na nga sa gym ang hunk actor, biglang dadami ang mga bading na darating. Tila kinukuyog nila sa panonood na magpapawis ang hunk actor.

Hindi naman galit sa bading ang hunk actor na ito, pero umiiwas na rin siyang mabiktima ng mga pekeng lalaki.

Nakaranas na kasi siya noon na magoyo ng mga nagpapanggap na lalaki noong teenager pa siya sa showbiz.

Ngayon ay mas marami na siyang alam at hilig nga niya ay manukso ng mga alam niyang bading pero bibitinin niya ito.

Tulad na lang sa mga mahilig tumambay sa locker room, bigla na lang siyang maglalakad na naka-underwear sa harap ng mga pamintang durog.

Kunwari ay nakikipagkuwentuhan ito at panay ang hawak niya sa garter ng kanyang underwear na akmang huhubarin niya.

Kitang-kita nga ang pagiging hayok ng mga pamintang durog sa kanyang magandang katawan.

Pero bigla na lang niyang tatakpan ng tuwalya ang sarili niya at papasok na sa shower cubicle. Natatawa na lang si hunk actor sa reaction ng mga ito.

Pero kahit nga nambibitin siya, inaabangan pa rin siya ng mga pamintang durog dahil sa libreng show na ginagawa niya para sa kanila.

Hollywood actor na si Charlie Sheen, umaming 4 na taon nang HIV positive!

Inamin ng Hollywood actor na si Charlie Sheen na siya ay HIV-positive.

Ginawa niya ang pag-amin na ito sa Today show.

“I’m here to admit that I am HIV-positive.

“And I have to put a stop to this onslaught, this barrage of attacks, sub-truths, and very harmful, mercurial stories that are threatening the health of many others, which couldn’t be farther from the truth,” pag-amin pa ni Sheen.

Lumabas na sa tabloid na The Enquirer ang balitang meron nang HIV si Charlie at nilagay daw nito sa peligro ang buhay ng mga naging sex partners niya, kasama na rito ang mga naging asawa niya.

Nang tanungin ng Today show host na si Matt Lauer kung sino pa ang napagsabihan ni Sheen ng kanyang sakit, sagot ni Charlie: “Enough that I trusted to be in the position and the situation I am today.”

Naglabas ng milyones na pera si Charlie para lang mapatahimik ang mga gustong i-blackmail siya.

“What people forget is that’s money they’re taking from my children.

“They think it’s just me, but I have five kids and a granddaughter,” diin pa niya.

Na-diagnose na may HIV si Sheen noong 2011 pa pagkatapos nitong makaranas ng extreme migraine at “sweating in bed”.

Akala ni Charlie ay meron siyang brain tumor.

“After a battery of tests, spinal taps, all that crap, they walked into the room and said, boom, here’s what’s going on.

“It’s a hard three letters to absorb. It’s a turning point in one’s life.”

Naging destructive ang naging lifestyle ng 50-year-old actor pagkatapos nitong mawala sa kanyang hit comedy series na Two and a Half Men.

Lumala ang substance abuse nito at nagkaroon ng unprotected sex with prostitutes.

Ayon pa sa physician ni Sheen na si Dr. Robert Huizenga ng UCLA, ang HIV virus ng aktor ay undetectable na sa dugo nito.

“Charlie has contracted the HIV virus.

“He was immediately put on treatment, strong antiviral drugs which have suppressed the virus – unfortunately, we don’t have a cure yet – it suppressed the virus to the point that he is absolutely healthy from that vantage.

“And my biggest concern for Charlie as a patient is substance abuse and depression from the disease more than what the HIV virus can do in terms of shortening his life because it’s not going to.”

Nilinaw din ng doctor na wala pang AIDS si Charlie.

“AIDS is a condition when the HIV virus markedly suppresses the immune system and you’re susceptible to rare, difficult cancers and infections. Charlie has none of those. He is healthy. He does not have AIDS.”

ACIRC ACTOR ANG CHARLIE CHARLIE SHEEN DR. ROBERT HUIZENGA HALF MEN HIV MATT LAUER MGA NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with