_pang-masa
^

Pang Movies

Apo ni Danding Cojuangco, ayaw pag-usapan ni Diether

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kahapon ang presscon ng Wattpad Presents at nagulat ako dahil maraming artista ang involved. Kung hindi ako nagkakamali, mga star ng apat na episodes ng Wattpad Presents ang ipinakilala kahapon pero pinakamarami ang nagtanong kay Diether Ocampo dahil matagal siya na inactive sa showbiz.

Nagpapasalamat si Diether sa TV5 management dahil sa mga project na ibinigay sa kanya.

Napansin ko lang na parang nanibago si Diether sa pagharap sa entertainment press kaya safe na safe ang mga sagot niya sa mga question sa kanya.

Hindi sinagot ni Diether ang tanong tungkol sa kanyang girlfriend na si Michelle Barrera na apo ng businessman na si Danding Cojuangco.

Naintindihan ng press ang reaksyon ni Diether dahil very private ang pamilya ng kanyang dyowa at hindi ito sanay sa showbiz.

Sosyalera… Eula nagbabalak mag-aral sa NY at LA ‘pag natsugi sa TV5

May iba nang plano para sa kanyang sarili si Eula Caballero kapag nag-expire na ang kontrata niya sa TV5 sa 2016.

Type ni Eula na maging professional artist kaya balak niya na mag-aral sa New York at Los Angeles. Siyempre, pinag-iipunan ni Eula ang kanyang pangarap dahil magastos mag-aral sa ibang bansa.

At least, marunong sa buhay si Eula. Pinaghahandaan niya ang future dahil hindi naman talaga stable ang showbiz.

Monica Cuenco, malaki ang iginanda

Na-late si Monica Cuenco sa presscon ng Wattpad Presents dahil sa APEC lanes. The who si Monica? Siya ang star ng musical play na Bituing Walang Ningning at lead actress ng Iska Ispiritista episode ng Wattpad Presents.

Contract star si Monica ng Viva Artists Agency at first starring role niya sa TV ang Wattpad Presents.

Kumanta si Monica at may karapatan siya na maging singer dahil maganda ang boses niya.

Malaki rin ang improvement ng physical appearance ni Monica. Iba talaga kapag may blockbuster musical na pinagbibidahan.

Wattpad, sikat na noon pa

Mataas pala ang ratings ng Wattpad Presents dahil pinapanood ito ng mga teenager. Milyun-milyon kasi ang bilang ng mga Pinoy na nagbabasa sa Internet ng Wattpad Presents kaya may-I-watch din nila ang tele­vision version.

ANG BITUING WALANG NINGNING DAHIL DANDING COJUANGCO DIETHER OCAMPO EULA EULA CABALLERO ISKA ISPIRITISTA MONICA CUENCO WATTPAD WATTPAD PRESENTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with