^

Pang Movies

Maging handa sa terorismo!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Simula na ng APEC Summit ngayon at tama ang mga paalaala sa atin, unang-una ipagdasal natin na maging peaceful ang event at ipagdasal din natin ang Pilipinas at ang buong mundo. Alam natin ang nangyari sa Paris. May paalaala rin na isulat natin sa isang pirasong papel ang lahat ng mga contact numbers natin ng ating ama, ina, mga kapatid, ang area police and emergency hotlines. Kailangan din tayong maging handa for the worst, mahirap daw isipin, pero nanganganib din tayo sa terorismo habang isinasagawa ang APEC Summit sa ating bansa. Kaya hanggang maaari, iwasan muna nating lumabas ng bahay. Huwag nating ipagpalit ang sanda­ling kasiyahan sa maaaring mangyaring masama sa atin.

Siguraduhin ding may load at battery ang mga cellphone at higit sa lahat, manatili tayong kalmado kung may mangyayaring hindi maganda. Maniwala rin tayo na God is always with us.

Megan at Mikael nagpakita ng chemistry

Exciting ang episode this week ng Dangwa hosted by Janine Gutierrez. Featured kasi ang real life sweethearts (kahit idine-deny nila) na sina Megan Young at Mikael Daez. First project nila ito together at may chemistry pala silang dalawa.

Isang boss si Mikael at personal assistant niya si Me­gan at parang aso’t pusa sila tuwing magtatalo. Hindi kami magtataka kung bibigyan sila ng isang project na para sa kanila talaga.

Si Megan ay kasalukuyang napapanood sa top-rating primetime soap ng GMA 7, ang Marimar. Katatapos lamang mapanood si Mikael sa family drama na My Faithful Husband.

4th monthsary ng AlDub simple na lang

Parang kailan nga lamang nang unang magkita sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga at ngayon ay nag-celebrate na sila kahapon ng 4th monthsary kasabay ang birthday ni Lola Tidora (Paolo Ballesteros).

Pagkatapos ng todo-kilig na birthday ni Lola Nidora (Wally Bayola) last Saturday, naging simple lamang ang celebration nila kahapon. Nag-re­minisce lamang sila ng mga ‘di mali­limutang ce­le­bration at nagpasalamt si Maine kay Alden na laging may regalo sa kanya. Dahil dito, siya naman ang nagbigay ng surprise gift at nag-perform ng dance number sa kalye kasama ang mga lalaking nakamaskara ng mukha ni Alden.

Mas tutok sa anak Keempee walang oras maghanap ng lovelife

Hindi na mahilig gumimik si Keempee de Leon at kinatatamaran na raw niyang lumabas. Wala rin itong girlfriend sa ngayon kaya work at ang anak na lamang niya, who’s now nine years old, ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Three to four days a week daw silang nagti-taping ng Little Nanay kaya kung minsan, mas gusto niyang mag-stay na lang sa bahay. Darating din naman daw ang time na makakakuha rin siya ng girlfriend at mapapangasawa.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

EAT BULAGA

JANINE GUTIERREZ

KEEMPEE

LITTLE NANAY

LOLA NIDORA

LOLA TIDORA

MIKAEL

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with