Alden pinaligaya ang unica hija ni Gladys
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 15, 2015 - 9:00am

Fan ni Alden Richards si Aquisha, ang one and only daughter nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Isinama kahapon ni Gladys sa studio ng Sunday PinaSaya ang bagets para makilala nito nang personal si Alden.

Tuwang-tuwa si Aquisha sa pagtatagpo nila ni Alden at kinilig ang bagets nang sabihin ng Pambansang Bae na cute siya.

Sulit na sulit ang pagsama ni Aquisha sa guesting ng nanay niya sa Sunday PinaSaya.

Umapir si Gladys sa Sunday variety show ng GMA 7 para i-promote ang Little Nanay, ang primetime teleserye na mag-uumpisa ngayong gabi. Co-stars ni Gladys sa Little Nanay sina Kris Bernal, Nora Aunor, Eddie Garcia, et al.

Felix Manalo, may planong gawing teleserye?!

Matagal nang naipalabas sa mga sinehan ang Felix Manalo pero hindi nawawalan ng news ang Net25 tungkol sa isinalin sa pelikula na life story ni Ka Felix, ang first executive minister ng Iglesia Ni Cristo.

Ang Net25 ang television network na pag-aari ng INC at kahapon, ipinalabas sa nasabing station ang mga balita tungkol sa Felix Manalo.

Isang missionary priest ang ininterbyu tungkol sa pelikula na puring-puri niya, kahit hindi siya member ng Iglesia Ni Cristo.

Mahigit sa anim na oras ang mater­yal ng Felix Manalo pero ni-reduce ito sa tatlong oras.

May duda ako na matu­tuloy ang plano ng INC na gawin na teleserye ang Felix Manalo para mapanood ang ibang mga eksena na na-edit. Siyempre, ipapalabas sa mga television station ng INC ang teleserye version ng Felix Manalo.

Anak ng pumanaw na aktres na si Maria Theresa Carlson, patay na rin

Dead on arrival sa isang ospital sa Laoag City si Rodolfo Fariñas, Jr. o JR, ang anak ni Congressman Rudy Fariñas ng Ilocos Norte at ng pumanaw na aktres na si Maria Theresa Carlson.

Motorcycle accident ang ikinamatay ni JR at nangyari ito kahapon sa Barangay Buyon, Bacarra, Ilocos Norte.

Bumangga sa isang concrete barrier ang minamaneho na motorsiklo ni JR at tumilapon ito na naging sanhi ng kanyang pagpanaw.

Fourteen years old si JR nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina nang tumalon ito mula sa isang condominium building sa Annapolis, Greenhills noong 2001.

Aktres na nagpupumilit magpaseksi, may dalang sumpa sa mga lalaki

Trying hard to be sexy ang aktres na malabo nang sumikat dahil nabigyan na siya noon ng pagkakataon pero pinili niya ang kanyang lovelife.

Nag-iilusyon pa yata ang aktres na magiging big star siya, sa kabila ng mga panlalait ng mga tao na naaalibadbaran sa pilit na pagpapasosyal niya.

Sa true lang, jinx ang tingin sa aktres dahil hindi nagre-rate ang kanyang mga show at nahihila niya pababa ang mhin na minamahal niya.

4th Impact member muntik nang mag-collapse sa The X Factor UK

Muntik nang mag-collapse si Celina Cercado ng 4th Impact pagkatapos ng performance nila sa live show ng The X Factor UK noong Sabado.

Pero bago pa kumanta ang magkakapatid na Cercado, nag-collapse na si Celina na itinuloy pa rin ang performance, kesehodang mabigat ang kanyang pakiramdam.

Ang 4th Impact ang all female Pinoy group na hinahangaan ang husay sa pagkanta at ipinagda­rasal na mag-win sa prestigious singing contest sa United Kingdom.

Bilib na bilib sa 4th Impact ang lahat ng judges, kabilang si Simon Cowell na all praises sa Pinay group na beterana sa pagsali sa mga singing contest.

Ipinatikim nga pala ng 4th Impact sa staff ng The X Factor UK ang popular Pinoy dish na chicken adobo.

Ang magkakapatid ang nagluto ng kanilang paboritong ulam na nagustuhan ng The X Factor UK staff.

ACIRC ANG AQUISHA FELIX MANALO GLADYS IGLESIA NI CRISTO ILOCOS NORTE LITTLE NANAY MGA NBSP X FACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with