Isyu ng kabaklaan daw ni Piolo, lumutang na naman
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 14, 2015 - 9:00am

Nag-trending ang article sa isang satire news site na may titulong Piolo Pascual Admits He’s Gay. Sa nasabing artikulo ay sinasabing umamin si Papa P. that he has been in relationships with both men and women.

Lumabas ang artikulo last Friday, Nov. 13 at naging hot topic na agad. Marami pa rin ang naniwala sa nasabing news item kahit malinaw namang nakalagay sa ibaba ang description ng site as “most notorious satirical news portal in the Philippines”.

According to Wikipedia, “satire news also called fake news, is a type of parody presented in a format typical of mainstream journalism, and called a satire because of its content. News satire has been around almost as long as journalism itself, but it is particularly popular on the web, where it is relatively easy to mimic a credible news source and stories may achieve wide distribution from nearly any site. News satire relies heavily on irony and deadpan humor.”

So, malinaw na walang katotohanan ang news item na ito about Piolo. Nakakaawa naman ang aktor na biktima na naman ng mga walang magawa.

Hay naku, (pahiram, Onyok ng Ang Probinsiyano)!

Sir Chief miss na miss na si Jodi

Aminado si Richard Yap na nami-miss niya nang katrabaho si Jodi Sta. Maria na matagal din niyang nakapareha sa Be Careful With my Heart.

Simula nang natapos ang serye ay hindi na sila nagkasama at ngayon ay may kanya-kanya silang magkahiwalay na project. Si Jodi ay napapanood natin sa Pa­ngako sa ‘Yo bilang Amor Powers at si Ian Veneracion na ang kanyang kapareha.

Si Richard naman ay kapapasok lamang sa Ang Probinsiyano bilang kontrabidang si Mr. Tang na leader ng child trafficking syndicate.

“Syempre, nami-miss ko siyang katrabaho pero siyempre, we have to go our own ways, hindi naman pwedeng lagi kaming magkasama,” sabi ni Richard nang matanong kung hindi ba niya nami-miss si Jodi sa pocket presscon niya recently.

Nagkikita naman daw sila sa mga events at ibang shows ng ABS-CBN.

“Mayroon din kaming ginagawang commercial shoot together, mga ganu’n. Hindi pa lumalabas, may ginawa kaming bago lang.”

Hindi pa raw niya alam kung magkakaroon siya ng love interest sa Ang Probinsiyano pero sa ngayon ay wala pa naman daw.

Daniel masinsinang kinausap si Mar

Puring-puri ni Korina Sanchez-Roxas si Da­niel Padilla. Sa kanyang Instagram post kamakailan ay sinabi ng broadcast journalist/news anchor/magazine show host na sobrang impressed daw siya sa Teen King.

“Went to Teen King Daniel Padilla’s beautiful house for his interview with husband Mar on several issues that kids today are wondering about like Traffic, Yolanda, jobs, etc. I’m SO impressed with Da­niel. Matalino, nakatapak ang paa sa lupa, masipag, sincere --- and so very cute, haha.  Napakaganda ng pagapalaki ng mommy ni Daniel sa kanya, si Karla Estrada,” ang post ni Ko­ring kasama ang larawan nila ng asawang si Mar Roxas with Daniel, stepdad Mike Planas and Congressman Dan Fernandez.

Nag-post din si Korina ng picture ng mom ni Daniel at sa caption nito ay nakasaad na: “Karla Estrada mom on Daniel Padilla speaking before leaders of KathNiel in a fans convention. She encouraged everyone to watch the series of videos now online where Daniel interviews Mar Roxas on different issues young people are asking about. Thanks Karla! Love you! #danielmarpamore.”

Ang tinutukoy ni Korina na panayam ni Daniel sa kanyang asawang Presidentiable ay pinamagatang Tanong ni Daniel Padilla Para sa Kabataan.

Ito ay online videos kung saan mapapanood na ininterbyu ni Teen King at bida ng Pangako Sa ‘Yo si Mar tungkol sa mga mahahalagang issues natin ngayon na gustong malaman ng mga kabataan.

Sa YouTube ay ini-release na ni Karla (under the username Carla Ford) ang dalawa sa mga videos na ito at ang una ay makikitang tinatanong ni Daniel si Mar tungkol sa traffic.

Ang pangalawa naman ay tungkol sa bagyong Yolanda at dito ay kasama rin si Karla sa nag-interbyu kay Mar since taga-Tacloban ang aktres at ang pamilya niya ang isa sa mga naapektuhan ng nasabing bagyo.

ACIRC AMOR POWERS ANG ANG PROBINSIYANO BE CAREFUL WITH CARLA FORD DANIEL KARLA ESTRADA MAR ROXAS NEWS TEEN KING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with