_pang-masa
^

Ate Gay muntik mabiktima ng aswang!

Vir Gonzales (Pang-masa) - November 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – All seats taken ang premiere night ng pelikulang Maria Labo na pinagbibidahan ng baguhang star ng Viva Films na si Kate Brios, na ginanap noong Martes ng gabi sa SM Megamall.

Parang hindi makapaniwala ang aktres nang dumating si Presidential bet Rodrigo Duterte, Mayor ng Davao sa gabing iyon para suportahan ang kanyang unang pelikula.

Matagal nang kilala ni Kate si Mayor Duterte, dahil taga-Bacolod ang aktres at malimit siyang mapasyal sa Davao.

Sikat ang pangalang Maria Labo sa bandang Bisaya at Mindanao. Si Maria Labo ay isang OFW na dumanas ng kahalayan sa mga Arabong gumahasa sa kanya sa Qatar.

Dahil sa kahirapan ng buhay, iniwan ni Kate ang kanyang bayan, para makipagsapalaran sa ibang bansa, hindi niya akalaing may isang kapwa housemaid doon na may lahi palang aswang ang nanghawa sa kanya.

Maging si Ate Gay, muntik maging biktima ni Kate sa istoryang ito sa pelikula.

Mayor Duterte game na game sa pakikipag-selfie

Marami ang nakapansin, napakabait daw pala ni Mayor Duterte. Simple lang siya nang dumating sa sinehan, at walang papogi epek gaya ng ibang pulitiko, na kailangang sampu-sampong body guard ang kasama.

Pumapayag siyang magpa-picture sa mga tagahanga na naroroon. Walang handler. Alam niyang malaking tuwa ng mga taong nagpapa-picture na galing pa sa malalayong lugar.

Nandoon din si Direk Maryo Reyes, na nakita naming nanood ng movie na released ng Viva Films.

Maganda ‘yung movie, napansin ko lang na parang OA (over-acting) ‘yung pagkakabaril sa lalaking nang-hostage doon sa isang eksena na sobrang pinaputukan hanggang sa mamatay, gayung napakaraming tao sa grocery na pinangyarihan ng krimen.

Ang pelikulang Maria Labo ay nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan.

Pokwang nanggulpi ng mga zombie

Maraming humanga kay Pokwang sa maaksyong eksena niya sa pelikulang Wang Fam nang nakikipag-karate siya sa mga multong zombies.

Talaga maluluma sa kanya si Cynthia Luster na reyna ng Kung Fu noong araw, na dumalaw at nag-artista sa Pilipinas. Bagay ang tambalan nilang BeWang ni Benjie Paras.

                                                                        

ANG BENJIE PARAS CYNTHIA LUSTER DAVAO KATE KATE BRIOS MARIA LABO MAYOR DUTERTE NBSP STRONG VIVA FILMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with