Kim mas naging wais sa pera dahil kay Kris
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - November 11, 2015 - 9:00am

Hindi naubusan ng energy at ngiti si Kim Chiu nang mag-host sa katatapos na 7th PMPC Star Awards for Music na ginawa sa Kia Theater sa Cubao, Quezon City last Tuesday.

Kahit sa back stage ay panay ang kanta at sigaw  nito habang naghihintay ng kanyang spiel.

Hindi rin siya napagod sa bawat tao na gustong makipag-selfie sa kanya at walang reklamo kahit inabot na ng ala-una ang awards night.

Thankful si Kim sa PMPC dahil lagi raw siyang binibigyan ng pagkakataon na mag-host lalo na ng engrandeng event. At least daw ngayon ay nakaka-relate siya sa awarding ceremonies dahil may single na rin itong Mr. Right na kinanta niya sa show ng live at feeling singer siya dahil sa rami ng mga magagaling na performers sa nasabing event.

Humble at masaya naman si Kim dahil kahit hindi siya legit na singer ay naging platinum agad ang kanyang album. Sinubukan lang daw niya ito at thankful siya sa magandang resulta.

Samantala, walang angal si Kim kung hindi siya makakapasyal kasama ang pamilya sa darating na Kapaskuhan dahil magiging busy siya sa ginagawa niyang movie na All You Need is Pag-ibig (AYNIP).

Bale ba, pangatlong Metro Manila Film Festival movie na niya ang AYNIP na ang pinaka-last pa niyang ginawa ay six years ago pa. Nagsimula na raw silang mag-shooting kasama sina Kris Aquino, Bimby, Derek Ramsay, Ronaldo Valdez, at marami pang iba.

Nagpapasalamat si Kim kay Kris dahil sinama muli siya sa movie. Masaya at marami raw siyang natutunan sa TV host tulad ng pagkakaroon ng negos­yo kung saan mayroon na siyang bakery, RTW, at  bridal gown store.

Nagpapasalamat din si Kim sa friendship at sa mga advice na nakukuha niya sa TV host/actress lalo na ang pag-iipon ng mga kinikita niya sa kanyang career.

ALL YOU NEED ANG DEREK RAMSAY KIA THEATER KRIS AQUINO METRO MANILA FILM FESTIVAL MR. RIGHT NAGPAPASALAMAT QUEZON CITY RONALDO VALDEZ SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with