Ex-Sexbomb dancer na si Sugar Mercado, hindi kinaya ang pang-aabuso ng asawa
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 11, 2015 - 9:00am

Nagsampa ng isang protection order noong nakaraang November 6 ang da­ting miyembro ng Sexbomb Dancers na si Sugar Mercado laban sa kanyang estranged husband na si Kristoffer Jay Go.

Ayon sa website ng Gabriela Women’s Party, Republic Act 9262 o mas kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children Act ang nai-file ni Sugar sa Quezon City Regional Trial Court laban sa paulit-ulit na pang-aabuso ng kanyang mister.

Kuwento ni Mercado, pinagbabantaan ng kanyang mister ang buhay niya at balak nitong kunin ang kanyang mga anak.

Dahil sa takot, naglakas-loob si Sugar na maghanap ng proteksyon.

Ayon sa Gabriela Representative Emmi De Jesus, gagawin nila ang kanilang makakaya para masuportahan si Mercado at ang mga anak nito.

“We hope that the legal process that Ms. Mercado chose to pursue results in a safer and more secure future for her and family.

“Every time an abused woman stands up, another is encouraged and inspired to do the same.

“Gabriela encourages society to continue being vigilant against VAWC cases and help direct victims of violence to the proper venues where their problems can be addressed.

“Women should not feel alone and women should know that violence is not normal in any relationship,” diin pa ni De Jesus.

Regine excited nang pakasal

Sa January 2016 na pala ikakasal ang Be Bench winner at Kapamilya actress na si Regine Angeles sa kanyang fiancé, ang former winner ng Century Tuna Super Bodies na si Van Victor Leano.

Noong November 2014 pa na-engage si Regine kay Van at naganap ang proposal sa El Nido, Palawan.

Ngayon ay abala ang aktres sa pag-asikaso ng kanyang wedding na magaganap sa Elements at Centris in Quezon City.

“Simple wedding lang naman. INC (Iglesia ni Cristo) wedding ito.

“Mga invited ay families naming dalawa at mga close friends.

“Nagpa-convert talaga si Van ng religion para sa relasyon namin.

“Para gawin iyon ng lalake para sa ‘yo, parang ang ganda-ganda ko naman masyado! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa  ni Regine nang makausap namin siya sa 50th anniversary ng Lydia’s Lechon sa Baclaran, Parañaque City.

Purple ang color concept ng wedding nila Regine at Van. Ang gagawa ng kanyang wedding gown ay ang Rosa Clara.

Hindi naman daw siya patitigilin ni Van na mag-artista kapag kasal na sila. Pero gustong tumulong ni Regine sa restaurant business ng kanyang magiging mister sa BF Homes in Parañaque City.

Huling napanood sa teleserye na Two Wives si Regine.

Sa pelikula naman ay nakasama siya sa cast ng You’re My Boss at Felix Manalo.

Mariah Carey ibinahay na ng bilyonaryong dyowa

Magkasama na sa iisang tirahan ang diva na si Mariah Carey at ang billionaire boyfriend nitong si James Packer.

Pero kahit nagsasama na sila, hindi ibebenta ni Mariah ang kanyang iiwan na bahay.

“Mariah did move into his home but is still keeping her home as well. They spend so much time together, so it only made sense,” ayon pa sa E! News.

Five months pa lang ang relasyon ng dalawa pero mabilis silang nagkasundo at ang wedding ay mukhang magaganap!

“They have been speaking about marriage as well. They are very much in love and things couldn’t be better,” dagdag ng E!

Sa Ibiza, Spain nga unang nagkakilala ang dalawa.

“James is very into Mariah, though, and he wants to spoil her and her children every minute he can. He feels she only deserves the best.

“James has been speaking to his family and friends back in Australia a lot about Mariah. This is just the beginning of their relationship and they are both excited about what possibly can be ahead for them in the future.”

ACIRC ANG ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN ATILDE AYON BE BENCH CENTURY TUNA SUPER BODIES CHILDREN ACT KANYANG MARIAH MARIAH CAREY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with