SuperSireyna at Ms. Gay Manila wagi sa Miss International Queen 2015

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 7, 2015 - 9:00am

Wagi sa Miss International Queen 2015 ang transgender woman na si Trixie Maristela na knows ng publiko dahil grand winner siya ng SuperSireyna contest ng Eat Bulaga at ng Miss Gay Manila 2015.

Project ni Manila City Mayor Joseph Estrada at ng Viva Live ang Miss Gay Manila.

Wondering ako kung magdaraos ang Viva Live at si Papa Erap ng ticker-tape parade para kay Trixie dahil sa karangalan na ibinigay nito sa ating bansa.

Maipagmamalaki ng City of Manila si Trixie dahil pinag-uusapan sa international scene ang kanyang tagumpay sa Thailand noong Biyernes ng gabi.

Kung hindi ako nagkakamali, contract star si Trixie ng Viva Artists Agency dahil bahagi ito ng kanyang mga premyo nang mag-win siya na Miss Gay Manila noong June.

I’m sure, magkakaroon si Trixie ng courtesy call kay Papa Erap kapag bumalik na siya sa Pilipinas mula sa kanyang successful trip sa Thailand.

Pia Wurtzbach, walang pressure sa Miss U

Si Pia Wurtzbach ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe sa December 20, 2015.

Hindi puwedeng sabihin na may pressure ang pagsali ni Pia sa Miss Universe dahil nanalo sa Miss International Queen si Trixie Maristela.

Parehong mga beauty contest ang Miss Universe at Miss International Queen pero magkaibang-magkaiba naman ang mga criteria nila. Kung para sa transgender women ang Miss International Queen, mga tunay na babae naman ang magtatagisan ng ganda at galing sa Miss Universe.

Kung naging tunay na babae si Trixie, malaki rin ang chance niya na manalo sa mga beauty contest dahil intelligent at confident siya.

Nawala lang ang kanyang poise nang i-declare na siya ang winner dahil naging emosyonal siya. Kayo na ang manalo ng kalahating milyong piso at higit sa lahat, ng karangalan na forever nang nakakabit sa kanyang pangalan.

Lagi na ring nakanguso Arnel achieve na achieve na ang mukha at katawang pinapangarap

Ipinagmalaki sa akin ni Arnell Ignacio ang beautification project niya sa kanyang katawan nang umapir siya sa CelebriTV.

To be fair, effective ang body contouring kay Arnell dahil pumayat siya at nagmukhang bagets.

Bukod sa body contouring, sumailalim din si Arnell sa face contouring kaya hitsurang always pouting ang lips niya.

Hindi madali ang pinagdaanan ni Arnell dahil nagdusa siya sa procedure. Tunay na tiis ganda ang ginawa niya para ma-achieve ang kanyang dream face and body.

Naranasan ni Arnell na maging mummy dahil ilang araw na binalutan ng bandage ang kanyang mukha at katawan pero nang dumating ang moment of truth, satisfied na satisfied siya.

Maituturing na metrosexual si Arnell dahil sobrang vain niya sa katawan na hindi masama dahil marunong siya na mag-alaga sa sarili. Hinding-hindi ko malilimutan na si Arnell ang kauna-unahang artista na pumayag na kunan ng mga TV camera at ipalabas sa TV ang liposuction procedure sa kanya. ‘Yun ang panahon na hindi pa sikat ang pagpapahigop ng taba sa katawan, courtesy of Dra. Vicki Belo.

ANG ARNELL DAHIL KANYANG MISS MISS GAY MANILA MISS INTERNATIONAL QUEEN MISS UNIVERSE PAPA ERAP SIYA TRIXIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with