^

Pang Movies

Sam noon pa tinatarget si Julia

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Hindi pa man nagkakasama sa isang project sina Sam Milby at Julia Montes, tagahanga na raw ng una ang huli.

Actually, noong una niyang makita si Julia, du­ring her days pa sa Mara Clara series, attracted na siya rito.

Now, finally as we all know, Sam and Julia ay magkasama na in the trending and high rating afternoon series, Doble Kara, where Julia plays the twins Kara and Sarah.

They have yet to work together sa taping. “But I’m pretty sure, I’ll learn a lot from her,” ani Sam. “Napapanood ko na siya sa Doble Kara and in her past projects and no doubt na magaling siya.”

Simultaneous with her taping for Doble Kara, Sam tapes, too for his other upcoming series, Written in the Stars, co-starring him with Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Sarah Lahbati and Jolina Magdangal.

Likewise, nagre-rehearse din siya for his nalalapit na concert, The Milby Way at the Kia Theater, Araneta Center, on November 28.

Mika at Paul iniisipan na agad ng susunod na project

How nice na kasama si Mika dela Cruz sa bagong series na You’re My Home.

And not only that, for the first time, may ka-love team ang 16 year old na younger sister ng actress-turned-Barangay official in Malabon na si Angelika dela Cruz, in the person of Paul Salas, who like her also started in showbiz as a child star.

Ayon kay Jerry Lopez Sineneng na siyang namamahala ng You’re My Home, bata pa sina Paul at Mika, nakitaan na niya ang dalawa ng kakaibang chemistry bilang magka-tandem.

He handled them daw ng isang series, kuwento ni Direk Jerry.

Henceforth, he looked forward na lumaki ang dalawa, maging teenager man lang at pagtatambalin niya ang mga ito ng isang project.

May something in common ang dalawa na dapat siguro ay i-exploit ni Direk Jerry. The two are both good dancers.

Of You’re My Home, airing of which starts Monday, November 9, at also stars Richard Gomez, Dawn Zulueta, JC de Vera, Jessy Mendiola and Tonton Gutierrez.

Sir Chief natuloy din sa primetime

Guess Salve A., kung sino ang bagong dagdag sa cast of the much admired and high rating series, Ang Pro­binsyano, topbilled by Coco Martin?

Richard Yap, that’s who.

Richard, who was supposed to team-up with Judy Ann Santos in a series and dapat ay kasama rin si Richard sa cast ng Metro Manila Filmfest (MMFF) entry, All You Need is Pag-ibig, co-starring him with Kris Aquino and originally with Quezon City Mayor Herbert Bautista, but now, ang kapareha na raw ni Kris ay si Derek Ramsay na, plus Jodi Sta. Maria.

But now, dahil nga napalitan ni Derek si Mayor Herbert, si Ian Veneracion na, kasama ni Jodi sa series na Pangako Sa’yo, ang makakatambal ni Jodi sa All You Need is Pag-ibig.

No wonder na welcome na welcome ni Richard lalo na ng kanyang mga tagasubaybay, ang sudden participation niya sa Ang Probinsiyano.

Wala pang ideya ang mga sumusubaybay ng Ang Probinsiyano, na mostly tiyak ay tagahanga rin ni Richard, kung ano ang magiging role niya sa series. But for them, this is immaterial. As what is important to them is that Richard will be busy with a project.

Matatandaan kasi na dalawang ulit nawalan ng project si Richard.

ACIRC

ALIGN

ALL YOU NEED

ANG

ANG PROBINSIYANO

DOBLE KARA

LEFT

MY HOME

QUOT

SERIES

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with