^

Pang Movies

Goma hindi na kuripot!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pambubuking ni Amy Perez kay Richard Gomez, kuripot!  Hindi kami makapaniwala sa tinuran ng TV-host actress na si Amy na mahigpit daw humawak ng pera ang co-star na si Goma lalo na noong panahon na magkasama pa sila sa Palibhasa Lalaki.

Sa isang interbyu kasi ni Amy sa kanyang morning show, buong pagmamalaki, isiniwalat naman ng not so young actress na pabuloso sa casts lalo sa sa mga crews and staff si Goma habang sinu-shoot nila ang pelikula.  Talagang bonggang mamigay at pagpapakain ang tumatakbong mayor ng Ormoc City na si Richard.

Nang magkaharap sina Amy at Richard, walang takot na ipinahayag ng TV-host na hindi siya makapaniwala dahil nga bistado niya ang pagiging kuripot ni Richard.

Bahagyang natigilan ang mahusay na actor, sabay nagpaliwanag :  “Aminado ako d’yan, hehehe... s’yempre noon sa Palibhasa... nangangapa pa ako, that time ang mga sikat sina Aga Muhlach, William Martinez.  Pero ngayon na meron na tayo e, kaya, I share my blessings, hahaha....”

Sa hanay ng mga actor natin, maipagmamalaki mo talaga si Richard dahil marunong itong lumingon sa nakaraan.  Palibhasa nga’y hinubog sa pangaral ng yumao’t pamosong manager na si Douglas Quijano, dala-dala pa rin ng actor ang kabutihan sa kasamahan sa industriya.

Anyway, abangan n’yo sa ABS-CBN ang bagong teleserye nila ni Dawn Zulueta, Your My Home tiyak isa na naman itong susubaybayan ng marami.

Ilang staff ng Magpakailanman inireklamo

Isang kapitbahay namin ang nakapagbulong sa amin.  Inirereklamo ng may-ari.   Hindi na raw makakaulit pa ang mga tauhan ng Magpakailanman na mahiram ang kanilang lugar sa Bago Bantay, Q.C  para makapag-taping ng nasabing drama anthology ni Ms. Mel Tiangco sa GMA 7.

“Aba, umalis silang makalat. Marumi. Mapanghi, gawa ng kanilang portalet na kanilang iniihian.  Ganun ba talaga kapag natapos na ang taping, iniiwan na ang mga kalat?” tanong ng chumika sa amin.

Paging GMA 7.

Pinay pararangalan sa America kasama si Boy Abunda

Ngayon pa lang ay excited na ang sikat na singer sa Japan na si Ms. Emma Cordero na lumipad patungong Hollywood, California,  para tanggapin ang pagkilala.

Nagpapasalamat si Emma sa pamunuan ng 14th Annual Gawad America dahil sa pagkilala sa kanya bilang Most Outstanding Filipino in the field of Performing Arts.

Base sa Japan si Emma.  Doon niya natamo ang mga papuri mula sa mahalimuyak niyang tinig at mapang-akit na kumpas ng kanyang beywang.  Sa naturang bansa rin niya narinig ang masigabong palakpak na tanda ng tagumpay.

Isa sa mga co-awardees ni Ms. Cordero ang King of Talk na si Boy Abunda on November 7, 2015.  Congrats po in advance sa lahat.

ACIRC

AGA MUHLACH

AMY PEREZ

ANG

ANNUAL GAWAD AMERICA

BAGO BANTAY

BOY ABUNDA

DAWN ZULUETA

DOUGLAS QUIJANO

GOMA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user