Valerie susubukang maging sosyal
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 4, 2015 - 9:00am

Kontrabida pa rin si Valerie Concepcion sa bagong teleserye ng GMA 7 na Because of You kung saan bida sina Carla Abellana at Gabby Concepcion.

Huling napanood si Valerie sa Once Upon A Kiss.

Sey pa niya ay enjoy siya sa pagiging kontrabida at never daw siyang magsasawa.

“I’m very excited kasi this is the first time na makakatrabaho ko si Carla Abellana. Ako yung kontrabida sa buhay niya at ni Gabby Concepcion.

“Hindi ako nagsasawa sa kontrabida roles kasi for me, challenging na parang hindi nauulit yung ginawa mo sa last one.

“Yung mga kontrabida na ginagawa ko noon mga bungangera, ngayon kailangan sosyal!”

Ikinatuwa rin ni Valerie ang muling pakikipagtrabaho niya with Iya Villania.

“Parang reunion na din namin ni Iya. Trivia, first taping day ko, first taping day din ni Iya, sabay na sabay kaming pumasok sa showbiz, sa show na Click dito sa GMA 7,” pag-alala niya.

Jake may kaagaw na kay Julie Anne

Si Kristoffer Martin ang bagong cast member ng afternoon teleserye ng GMA 7 na Buena Familia.

Magiging ka-love triangle si Kristoffer ng magkaparehang sina Julie Anne San Jose at Jake Vargas.

Huling napanood si Kristoffer sa teleserye na Healing Hearts. Naging leading lady na niya noon si Julie Anne sa teleserye na Kung Nasaan Ka Man noong 2013.

Ginagampanan ni Kristoffer ang papel na Zach, isang member ng sikat na boy band na magkakagusto kay Darling (Julie Anne) nang i-launch ito bilang isang singer.

Justin Bieber tapos nang parusahan sa kasong vandalism

Tinanggal na sa formal probation ng US judge ang Canadian pop star na si Justin Bieber.

Nahatulan ng guilty verdict si Bieber last year para sa salang vandalism dahil sa paghagis niya ng mga itlog sa bahay ng kapitbahay niya in Calabasas, California.

Ginawa na ngang informal probation ang kay Bieber dahil sa magandang reports sa two-year probation sentence ng singer.

Nag-plead nga noon na “no contest” si Bieber sa ginawa niyang misdemeanor vandalism noong July 2014 sa kanyang kapitbahay.

Pinatawan ng 40 hours of community service si Bieber sa isang family homeless shelter para gumawa ng maintenance and janitorial work.

Pina-attend siya ng 12 anger management counseling sessions at inutusan siya ng judge na bayaran ang kanyang kapitbahay ng halagang $80,900 in restitution.

ACIRC BECAUSE OF YOU BIEBER BUENA FAMILIA CARLA ABELLANA GABBY CONCEPCION HEALING HEARTS HULING JULIE ANNE JUSTIN BIEBER KRISTOFFER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with