Lovi matino at may laman ang bagong pelikulang ginagawa
Vir Gonzales (Pang-masa) - November 2, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Maswerte si Lovi Poe, siya kasi ang napiling gumanap sa pelikulang Oryang bilang si Gregoria de Jesus na ipo-produce ng Ortigas Film and Company.

Ang naturang produksyon ang nag-produce ng Heneral Luna na tumabo sa takilya.

Ngayon, makakagawa na si Lovi ng isang matinong pelikula na may sense para sa mga manonood.

Bihira ang nakakaalam na si Oryang pala ay ginahasa ng isang tauhan ng kanilang kalaban. Mukhang napapanahon ang paggawa ng mga pelikulang tungkol sa ating mga bayani. Mabuti na lang, sinimulan ng Ortigas Film ang pagsasa-pelikula ng mga buhay ng bayani. Una nilang ginawa ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo pero ewan kung bakit hindi nagklik sa mga tagahanga?

Paulo Avelino lumalaki na raw ang ulo

Isusunod ang buhay ni Gregorio del Pilar na gagampanan naman ni Paulo Avelino. Malayo na talaga ang nararating ni Paulo. Matitinding istorya ang ginagawa ng actor, hindi basta-basta lang. Teka, totoo bang lumaki na ang ulo ni Paulo ngayon?

Naku, huwag naman sana. Wala pa siyang pruweba para lumaki ang ulo sabi ng mga kritikong tagahanga. Hindi nga matandaan ang title ng ilan sa mga kanyang nagawa.

Jose, Wally, at Paolo, winner palagi ang outfit na gawang Bulacan

Nakakahanga ang mga damit na tinatahi nina Tita Luding at Tita Bebeng, mga mananahi ng pamosong si Petite Tesoro na taga-Makinabang, Baliuag, Bulacan na isinusuot araw-araw ng tatlong lola sa Eat Bulaga’s kalyeserye na sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Akmang-akma kasi ang style na ginagamit ng tatlo na talagang noong araw pa uso. Si Regine Tolentino naman ang gumagawa ng mga damit na sinusuot ni Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga.

Alam ni Petite, kung anong tamang kulay at tahing damit ang babagay sa tatlo. Kilala ang Pamilia Tesoro sa Baliuag. Doon dumalaw ang Eat Bulaga sa naturang bayan sa Makinabang. Pasado sa taste ni Tita Malou Fagar ang bawat tahing damit na ipinasusuot sa tatlo.

Regine araw-araw naaalala ng fans dahil sa EB

May kwento si Regine Velasquez tungkol sa AlDub.

Natutuwa daw siya dahil malaking tulong daw sa nanay niya ang panonood ng Eat Bulaga. Aliw na aliw daw ang kanyang nanay sa tuwing magpapatawa ang tatlong lola na sina Wally, Jose at Paolo.

Feel na feel daw niya tuwing ginagaya siya ni Paolo. Biro pa nga ni Regine, kahit papaano raw kasi ay araw-araw na siyang naaalala ng kanyang fans.

Ate Vi masaya ang birthday

Masaya ang birthday celebration ni Gov. Vilma Santos ngayong November 03, hindi na kasi siya kinukulit para tumakbong Vice President.

                                                               

 

ANG ANG UNANG PANGULO ARAW ATE VI BALIUAG BULACAN EAT BULAGA MGA NBSP PAULO AVELINO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with