Kasama si Megan? Mikael anim na taon pinag-ipunan ang pagbabakasyon sa New York
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 2, 2015 - 9:00am

First three days pa lamang ng November, heto at amoy Pasko na, Salve A.

May mga ilang artista na nga, na nagpa-plano kung saan nila palilipasin ang Pasko.

Kabilang na ang GMA 7 talent na si Mikael Daez, who is leaving with friends this November pa lamang to spend Christmas and, hopefully, the New Year too in the Big Apple.

Pinag-planuhan at pinag-ipunan daw nila ito ng kanyang mga kaibigang makakasama sa trip six years ago pa. No wonder that they can hardly wait na makaalis na. First timer sila lahat sa New York City.

Busy pa, however, si Mikael with the series, My Faithful Husband, co-starring him with Dennis Trillo and Jennylyn Mercado, which still airs weeknights.

Of his romance with former Miss World, Megan Young, the score, he reveals, remains the same.

Walang nabago. Walang pagbabago.

Megan herself is busy with her series, MariMar.

Arjo nag-effort para gumanda ang katawan

His effort na mapanatili ang kanyang shaped physique, thanks to his consistent workouts, has paid off, ani Arjo Atayde.

Endorser na rin si Arjo for Hammerhead jeans and shirts, his first ever endorsement kaya no wonder na excited siya.

Thankful din siya sa Dreamscape Entertainment Television, headed by Deo Edrinal, dahil sa ibinigay na chance na gampanan niya ang papel bilang kontrabida kay Coco Martin sa seryeng Ang Probinsyano.

Alam daw niyang dahil sa kanyang role na ginagampanan, maraming nanonood ng Ang Probisiyano, lalo na ang mga tagahanga ni Coco, ang nagagalit sa kanya.

Ganunpaman, sa halip daw na ma-offend, natutuwa daw siya, since nanga­ngahulugan nga naman na effective siya sa kanyang role.

Of Coco, he has the highest respect for him daw as an actor. And bilang katrabaho na rin. Siya raw ay mabait at mapagbigay.

Thus, he is hoping for the best for Coco, always.

Vice Ganda ginulat sa ‘rest room’ si Coco

Speaking of Coco, sinorpresa, siya ng kanyang best friend na si Vice Ganda, nang siya ay nasa kanyang rest room, he brought with him some singers and a dancer from a nearby restaurant, who performed before him (Coco), before Vice finally presented Coco a birthday cake.

Coco turned 34 last November 1st.

He and Vice, they both say, were friends na before they became the bigtime showbiz personalities that they are now.

“Masarap palagi na mapag-usapan ang nakaraan,” ani Vice. “Lalo mong pinahahalagahan ang mga magagandang nangyayari sa buhay mo ngayon.

“At damang-dama mo talaga kung gaano ka kamahal ng Maykapal.

“Salamat sa Kanya.”

HAPPY BIRTHDAY…

Birthday naman today, November 3, ng outgoing Batangas Governor na si Vilma Santos-Recto.

Naka-third term na siya bilang head of the city.

Isang salu-salo ang narinig na­ming ihahandog sa kanya ng kanyang mga constituents sa mismong Munisipyo ng Batangas City.

So far, ani Ate Vi, the nine years na naging Governor siya ng siyudad ay naging satisfactory ‘di lang para sa kanya, kung hindi sa kanyang mga constituents.

She wishes daw her predecessor, which could be Vice Governor Mark Leviste a tremendous luck as well.

Meanwhile, confirmed na ang pagtakbo ni Ate Vi for Congresswoman of the first district of Lipa City ngayong elections 2016.

The best of luck always, Ate Vi. And happy birthday, too.

 

ACIRC ANG ANG PROBINSYANO ANG PROBISIYANO ARJO ARJO ATAYDE ATE VI COCO KANYANG SIYA VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with