Panganay nina Jolina at Mark, small but terrible
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - October 31, 2015 - 10:00am

Katuwa naman ang mga anak ng artista (hindi lahat) dahil kahit mga baby at ipinaghehele pa lamang ay may trabaho na at hindi barya-barya lang ang kinikita. Pero hindi basta libo kundi maraming libo ng datung ang kinikita nila, huh! At isa na itong si Pele Iñigo Magdangal Escueta, ang unico hijo nina Jolina Magdangal at Mark Escueta. Small but terrible talaga ang bata dahil maliit pa pero humahataw na at limpak-limpak ang kinita sa first commercial.

Talagang super lambot ng Megasoft Super twins premium diaper, na suot ni Pele sa ginanap na presscon. Sa madaling salita, nakabahag si Pele.

Alam ba ninyo na super cute si Pele? Para siyang binabad sa gatas dahil napakaputi nito at namumula ang pisngi. Parang inaantok din ito dahil sa pungay ng mga mata, idagdagpa ang maganda niyang tawa.

At his age, nakakakanta na at marunong na itong humawak ng microphone. Ma-PR ang bagets at nakikipag-shake hands pa sa press. Since birth, gatas sa dibdib ni Jolens ang iniinom nito kaya matalino, makinis ang kutis, at healthy si Pele.

Paboritong pagkain ni Pele ang banana bread, cookies, cereals, cheese, at ang laging niluluto ni Jolens para sa mag-ama niya ang rice with chicken, beef, pork, at malunggay.  Ang sarap kaya, natikman ko na.

Ang Megasoft Hygiene Products ay pag-aari ng Emilio at Ailene Go na best friend ni Jolina.  Bago pala tinanggap ng mag-asawang Mark at Jolens, sinubukan muna nila ang said diaper for one week at ginamitan si Pele nito, kung allergic ba ang bata.  Good thing, wala pang 2 days hindi ito nangati at namula.  Saka lang sila pumirma ng kontrata for less a year. Sa totoo lang, name your price ang offer.

Joko hina-haunting ng mga bakla

Parang kalait-lait si Joko Diaz sa role niya bilang tatay ni Ken Chan (Joey). Ikinahihiya niya na siya ay may anak na malambot, pero matalino, e, si Joko kasi ay isang alagad ng batas, ang karakter sa primetime series sa GMA 7, ang Destiny Rose.

Nadala na naman ang mga tsufatid na mga galamay ko.  Hindi daw nila susulatin si Joko sa mga write up, e di wag!  Kyems!

Ayaw nila na manlait si Joko ng sinuman na tulad nila.

Story lang yan mga tsufa. Malay ninyo baka naiinggit lang si Joko kay Joey, dahil ang galing na niyang umarte.  Pero I’m sure, lalaking-lalaki si Joko!  Na isa sa pinakamagaling na kontrabida like his dad, Paquito Diaz.

Remember..

All Saints’ Day, November 1, Linggo, para sa mga santo, pero nakagisnan na natin na tawaging All Saints Day ang Nov. 1 instead na All Souls Day.

Anyway, magsimba na lang tayo kundi man kayo nakapag-nine days novena for the intentions of the souls of our love ones na namayapa na.  Don’t forget na at 6 p.m., magtulos tayo ng mga kandila na sindido para ilawan ang mga namamasyal na mga kaluluwa ng mga mahal natin sa buhay.  Up to 12 midnight  ito, then put off na ang mga sindi.  Eternal rest grant unto the souls of our love ones, all souls in purgatory, and let perpetual light shine upon them. May they rest in peace. Amen.

AILENE GO ALL SAINTS ALL SAINTS DAY ALL SOULS DAY ANG ANG MEGASOFT HYGIENE PRODUCTS DESTINY ROSE JOKO JOLENS MGA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with