Malala pa sa lukaret, female celebrity apat ang personalidad!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 28, 2015 - 10:00am

Hindi maintindihan ng ilang production staff ng isang drama series ang trip ng female celebrity na ito.

Hindi na raw nila alam kung ano ang tunay na personalidad ng female celebrity. Minsan daw ay mabait at okey siyang kausap, pero bigla na lang daw itong magagalit nang walang kaabug-abog. Basta na lang daw itong magsusungit na ikinakaloka ng marami niyang kasamahan.

Hinala ng production staff sa show na may problema sa pag-iisip ang female celebrity. Kasi nga ay paiba-iba ito ng kanyang moods.

“May pagka-schizophrenic ang babaeng ‘yan,” diin ng aming source.

“Kasi para siyang lukaret. Hindi na namin alam ang tunay na personalidad niya.

“Minsan ay okey siya at matino. Sa susunod naman ay bigla na lang siyang nagagalit sa simpleng bagay.

“Nakakatakot siyang lapitan. Hindi mo alam kung kelan siya matinong kausap.

“Pagkatapos niyang magsungit, biglang mabait na naman siya. Minsan naman super-emote siya na parang gusto niyang umiyak.

“Sinasabi pa niya na she wants to cry kasi she’s so happy. Gano’n siya kabaliw talaga kaya kami sa set, hindi kami mapakali at baka one day bigla na lang siyang bumigay sa katinuan!” natatawang kuwento ng aming source.

Kaya tuwing kailangan kausapin ang female celebrity, nagtuturuan ang staff kung sino ang dapat kumausap dito. May mga ayaw na dahil hindi nila matantiya ang ugali nito.

“Dapat matiyempuhan na maganda ang mood niya at hindi siya nag­hahalimaw sa araw na iyon.

“Kaya kami sa set, hinuhulaan namin kung ano ba ang bagong cha­racter niya sa araw na iyon.

“So far, apat na ang nakikita naming personalidad niya. Kung marami pa ‘yan, naku ilabas na niya dahil tatlong buwan kaming magkakasama-sama dito sa show. At least nakikilala namin silang lahat,” pagtatapos pa ng source namin.

Kaya gusto nang tumira rito, Fabio hindi napagkakamalang bading ng mga Pinoy

Kahit isang kilalang model sa Brazil si Fabio Ide, hindi raw ito naging malapit sa gays doon hindi tulad dito sa Pilipinas.

May kung anong discrimination pa rin daw ang ilang tao sa kanyang bansa pagdating sa mga bading.

Kahit na raw straight guy si Fabio, kapag nakita siyang nakikipagkaibigan sa mga bading in Brazil, agad-agad ay bading na ang tingin sa kanya.

“That’s why I was never close to gays when I was modeling in Brazil.

“Some people there isolate the gays. If you’re gay, you are only to be seen with gay people. If you’re straight, you are not to be seen with gays or else they will label you as gay.

“Kaya mas gusto ko rito sa Pilipinas. I can be friends and be close with gays at walang issue iyon.

“Sa totoo lang, I like the company of gay people. Nakakatawa sila and they have no pretentions. You can see who they really are and I appreciate that.

“When I started a career in this country as a model, I worked with many talented gay people. Like my manager, designers, stylists, producers, directors, actors and the fans who calls me Gabriele because of my role in Destiny Rose.”

Naging pantasya na nga ulit si Fabio ng maraming bading dahil sa Destiny Rose.

“I’m proud to be a part of Destiny Rose. The show educates the viewers to have more compassion with gay people.”

Sa ikatlong pagkakataon

Halle Berry hiwalay na naman sa napangasawa

Tapos na nga ang lahat sa mag-asawang Halle Berry at Olivier Martinez.

Nag-file na ang Oscar winner ng divorce mula sa kanyang French actor-husband na si O­livier pagkatapos nilang ikasal two years ago.

Matagal nang hindi sinusuot ni Halle ang kanyang wedding ring.

Naging excuse ng aktres ay nawala raw ang wedding ring noong magbakasyon siya sa Acapulco, Mexico noong January 2014.

Huling nakunan ang estranged couple noong nakaraang October 17 sa Sherman Oaks, California kasama ang kanilang anak.

Ito na ang ikatlong divorce ni Halle. Una niyang naging asawa ay si Eric Benet. Pangalawa ay ang model na si Gabriel Aubry kung kanino meron siyang anak na si Nahla.

ACIRC ANG DESTINY ROSE ERIC BENET FABIO FABIO IDE GABRIEL AUBRY HALLE BERRY HINDI KAYA MINSAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with