Vin Abrenica Kapamilya na?!
(Pang-masa) - October 23, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Mapapanood sa kanyang pinakaunang pagganap sa Kapamilya Network ang aktor na si Vin Abrenica ngayong Sabado (Oct 24) sa hit legal drama na Ipaglaban Mo.

Gagampanan ni Vin ang papel ni Donji, isang 23 taong gulang na lalaki na mabubuntis ang kanyang 16 taong gulang na kasintahan na si Lyka (Celine Lim).

Noong una ay pangangakuan ng binata ang menor de edad na pananagutan ito at pakakasalan ngunit kalaunan ay pinabayaan niya na ito.

Mauuwi sa korte ang laban matapos magsampa ang magulang ni Lyka ng kasong child abuse kay Donji. Managot kaya si Donji sa batas lalo pa’t pareho nilang ginusto ang naganap na pagtatalik?

Kasama rin sa episode sina Yayo Aguila, Elisse Joson, at Young JV.

Mapapanood ito ngayong Sabado (Oct. 24) pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

ANG CELINE LIM DONJI ELISSE JOSON IPAGLABAN MO KAPAMILYA NETWORK LYKA MAPAPANOOD SABADO VIN ABRENICA YAYO AGUILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with