_pang-masa
^

Pang Movies

May bago na ring negosyo, Kim handa nang magpakita ng katawan!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanggal nang lahat ni Kim Chiu ang insecurities niya nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz especially that time ay patpatin talaga siya.

Eh, ngayong ten years na siya matapos manalo sa Pinoy Big Brother (PBB), nandoon na ang confidence niya at mabenta na sa mga product endorsements.

Ang latest addition sa endorsements ni Kim ay ang Fat Out health supplement mula sa ATC Healthcare na nagkaroon ng launching kahapon sa Annabel’s.

Ang maganda sa partnership niya sa ATC, hindi lang siya endorser kundi business partner din, huh!

“I became very confident. Parang nandoon ‘yung Fat Out para ma-maintain ko pa ‘yung figure. Siyempre sa trabaho namin, puyatan! Siyempre, hindi ka dapat magpabaya. You always have to look your best and be your best!

 “And isa ‘yon sa naitulong sa akin ng Fat Out, for you to be healthy and to maintain my figure!” pahayag ni Kim sa media na dumalo.

Nakabuo nga ng business partnership si Kim at ang ATC dahil bahagi ng income sa sales ng health supplement ay pupunta sa kanyang foundation at sa ATC Foundation.

 “Gusto ko kasing sabihin sa mga tao na may benefits sila pag nag-buy sila ng Fat Out. Intake sila nang intake, may nangyayari sa kanila, pumapayat sila. Habang binibili nila ito, tumutulong din sila sa less fortunate na mga tao,” rason ng aktres.

Teka, may fats ba siya eh payat na siyang tingnan?

 “Meron! Lahat naman tayo may fats. It’s for us how to maintain our body, our weight or sexy figure. Isa rito sa nakatulong, it cleanses your colon to prevent colon cancer. Kasi parang maraming may ganoon so ito, heto ‘yung gamit na it cleanses your colon and it burns your fats. So parang proper exercise, proper diet, tapos, maayos na intake ng pagkain at kung Fat Out ka, you live a healthier and longer life,” saad niya.

So dahil confident na siya sa kaseksihan, handa na siyang magsuot ng sexy sa pictorials?

 “Ganoon ba ‘yon? Ha! Ha! Ha! Tingnan natin! Gulatin ko na lang kayo! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Kim.

Feel ba niyang tumanggap ng offers na sexy?

 “Depende po! Wow! Kung may maidudulot pong maganda, makaka-inspire tayo sa ibang tao, depende sa tatanggapin nating role. Kasi siyempre, TV personality tayo. Maraming naglu-look up sa atin. Siyempre, marami tayong moral obligation sa mga tao, kung ‘yung kaseksihan mo ‘yon ay makaka-inspire ng mga tao, why not?” katwiran ni Kim.

Kung may local personalities na naseseksihan siya, ilan dito ang ka-loveteam niyang si Xian Lim at dating Kapamilya na si Iya Villania.

ACIRC ANG ANNABEL FAT OUT IYA VILLANIA KASI KIM CHIU PINOY BIG BROTHER SIYA SIYEMPRE XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with