Parang si Angel din sa bait, Luis pinagamot at ginastusan ang handler na nagkasakit
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 21, 2015 - 10:00am

Touching naman ang kuwento na nakarating sa akin tungkol sa pagtulong ni Luis Manzano sa isang showbiz handler na nakatrabaho niya pero nagkaroon ng sakit.

Nakakatuwang malaman na si Luis ang tumutulong sa pagpapagamot ng handler na hindi ko na babanggitin ang name. Ang mga katulad ni Luis ang dapat tularan ng mga artista na puro kayaba­ngan ang inuuna.

Nakakabilib ang pagkakaroon ni Luis ng golden heart at sure ako na marami pa siya na tinutulungan pero hindi niya ipinagmamakaingay.

Mga pulitikong ‘di ko kilala, ang sipag magpadala ng mga pralala

Kaloka ang ibang mga pulitiko na hindi ko kilala pero masipag sa pagpapadala ng kanilang mga pralala. Sila ang mga pulitiko na kakandidato sa 2016 at walang kinalaman sa showbiz.

Nalilimutan yata nila na entertainment writer ako at hindi politics ang beat ko. Kung nagsusulat man ako tungkol sa pulitika at mga kandidato, may bahid showbiz ang mga kuwento ko at kabasa-basa ang kanilang mga istorya.

‘Yung mga nagpapadala sa akin ng pralala, wala talagang kinalaman sa showbiz ang mga statement na ipinadadala nila sa akin. Hindi naman sila kagaya ni Senator Grace Poe na hari at reyna ng pelikulang Pilipino ang mga magulang o si Senator Chiz Escudero na asawa si Heart Evangelista na active sa showbiz.

Idagdag na natin si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na Star for All Seasons, malaki ang kontribusyon sa entertainment industry at madir ni Luis Manzano.

Aktor na itsinitsismis na adik, humpak na ang pisngi at malalim na ang mga mata

Hindi maitatanggi na may bisyo ang isang mahusay na aktor dahil lalong pumapayat ang kanyang katawan.

Iba ang pagkapayat ng aktor na matagal nang natsitsismis na may masamang bisyo.

Kasali ang aktor sa isang teleserye kaya pansin na pansin ang pagbagsak ng kanyang dating matipuno na katawan.

Humpak na rin ang mga pisngi niya at malalim na ang mga mata.

Pokwang iniisipan na ng title

Naghahanap ang Viva Films na title na ikakabit sa pangalan ni Pokwang.

Kung si AiAi Delas Alas ang Comedy Queen, ano kaya ang bagay na title kay Pokwang na lead actress ng Wang Fam ng Viva Films?

Mas mainam na tanungin si Pokwang sa title na gusto nito dahil baka may naiisip siya bilang mas kilala niya ang sarili?

ALL SEASONS ANG BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO COMEDY QUEEN DELAS ALAS HEART EVANGELISTA LUIS LUIS MANZANO MGA POKWANG VIVA FILMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with