Tamang Panahon ng AlDub nahulaan na
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 18, 2015 - 10:00am

Kumalat noong September ang tweet na nakita na nakipag-meeting sa mga bossing ng Philippine Arena ang TAPE, Inc. executive na si Malou Fagar para sa grand fans day kuno ng AlDub.

May-I-deny ni Mama Malou ang isyu dahil hindi naman talaga totoo. Pero nagkatotoo ang tsismis dahil ang Philippine Arena ang venue sa October 24 ng Tamang Panahon ng Eat Bulaga kaya nang makipag-meeting si Mama Malou sa mga manager ng biggest indoor arena sa buong mundo para sa Tamang Panahon, knows na siya ng kanyang mga kausap.

Alden at Maine mas mapapalapit na sa isa’t isa

Magsisimula ang shooting ni Maine Mendoza para sa My Bebe Love pagkatapos ng Tamang Pana­hon sa Philippine Arena.

Kapag nag-umpisa na ang shooting ni Maine, lalo nilang makikilala ni Alden Richards ang isa’t isa. Baka magkapalitan na sila ng mga cellphone number at magkaroon ng constant communication.

Hoping ang fans na mauuwi sa totohanan ang loveteam nina Alden at Maine kapag nag-start na ang shooting nila para sa filmfest movie nina AiAi Delas Alas at Vic Sotto.

Papa Joey fan na fan ng inimbentong kalyeserye

Excited na si Papa Joey de Leon sa bonggang show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.

Self-confessed fan ng AlDub si Papa Joey at ang kanyang mga anak na naghanap agad ng tickets na mabibili para sa Tamang Panahon nang i-reveal ni Lola Nidora sa Eat Bulaga noong Sabado ang big surprise ng AlDub.

Fan na fan si Papa Joey ng loveteam ng AlDub at nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo. Madalas na nahuhuli si Papa Joey ng Eat Bulaga cameras na nanonood ng kalyeserye dahil aliw na aliw siya sa mga ginagawa ng kanyang mga co-host.

Sa tagal ng Eat Bulaga sa telebisyon, parang naglalaro na lang si Papa Joey pero ang sey niya, may mga playmate nga siya at ito ang televiewers ng kalyeserye. Kahit pare-parehong pinapanood ni Papa Joey at ng kanyang mga anak ang kalyeserye, ito pa rin ang topic nila kapag nasa bahay sila.

Ganyan ka-fan ng kalyeserye ang de Leon fa­mily.

Boyet sumailalim sa eyebrow transplant

At dahil ang de Leon family ang topic ko, pag-usapan na rin natin si Christopher de Leon, ang celebrity endorser ng eyebrows transplant ng Belo Medical Clinic.

Si Dra. Vicki Belo ang nag-post sa social media ng before and after picture ng eyebrows transplant kay Boyet. Nang makita ko ang picture, nag-agree ako sa sinabi ni Mama Vicki na ang kilay at hindi ang mga mata ang facial feature ng tao na importante sa face recognition at nagde-define sa mukha natin.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, sari­ling buhok ni Boyet ang itinanim sa kanyang kilay kaya kumapal ito. Hindi puwedeng gumamit ng buhok ng ibang tao dahil baka i-reject ito ng katawan ng pasyente.

Lalong bumata ang itsura ni Boyet dahil sa eyebrows transplant na isa sa mga service na puwedeng i-avail sa Belo Medical Clinic.

Buhay na buhay rin ang mga mata ni Boyet dahil sa kanyang kumapal na kilay.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BELO MEDICAL CLINIC BOYET EAT BULAGA MAMA MALOU MGA PAPA JOEY PHILIPPINE ARENA TAMANG PANAHON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with