Dingdong nakaabang na sa pag-ire ni Marian
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 17, 2015 - 10:00am

Halos hindi na hinihiwalayan ni Dingdong Dantes si Marian Rivera, since malapit nang magsilang ang asawa next month.

Ayon kay Marian noon, pwede siyang magsilang sa November 16, 17 or 18, pero pwede ring maging ibang araw, bago or after ng expected dates.

Lagi nang nakikita ang mag-asa­wa dining out or visiting friends.  Hindi naman maikakaila ang excitement sa mga mukha nila.

Biro pa nga ni Dingdong, gusto na nilang hatakin ang oras para makita na nila si Baby Z (nickname ni Maria Letizia).

Si Marian ay nanatili namang beauty pa rin, sabi nga ang tummy lamang niya ang lumaki, wala siya ng mga kinatatakutan ng mga babaing nagbubuntis, tulad ng pamamanas at stretch marks.

Mapapanood pa rin si Marian ngayong Linggo, sa Sunday PinaSaya with AiAi delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles and Alden Richards.

Mga artistang kakandidato, kailangan nang ‘patayin’

May problema ngayon ang mga movie and TV productions sa pagka-casting nila ng mga artista sa kani-kanilang mga coming projects.

May shortage daw sila ng mga leading men at iba pang lead characters dahil marami sa kanila ang kumandidato sa coming 2016 elections.

May ban kasi sa mga artista na hindi sila pwedeng mapanood sa mga TV shows lalo na kung hin­di tungkol sa mga programang pang-eleksyon.

Sa movies naman, kung kasama sila sa mga pelikulang ipalalabas during the election ban, hindi nila pwedeng i-showing iyon hanggang hindi natatapos ang eleksyon sa May, 2016.

Kaya iyong ibang artistang may ginagawa nang TV shows ngayon, kailangang patayin na ang character para hindi mag-suffer ang production.

Alden at Yaya Dub magku-concert para makagawa ng school libraries

#ALDUBTheBigSurprise ang hashtag kahapon ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Two weeks kasing hindi nagkita sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Kung last week si Alden ang four days na nasa Japan, si Yaya naman ay apat na araw ding nawala nitong linggong ito dahil dinala siya ni Lola Nidora kay Tiya Bebeng sa Cebu. Ang malaking sorpresa ni Lola Nidora kung dati raw ay malaking hadlang siya kina Alden at Maine, ngayon ay mabuti na ang hangarin niya sa dalawa.

Allowed nang magkita sina Alden at Maine, pwede na ring mag-duet, pwede nang mag-holding hands, at magsasalita na rin si Yaya at mangyayari iyon sa Sabado, October 24 sa kanila raw bungalow, sa Philippine Arena.

Pero magiging isang handog ito para sa AlDub Nation ng EB at ang tickets na bibilhin nila ay ipagpapagawa ng mga school libraries sa mga paaralan sa buong bansa na tatawaging AlDub Library.  Ang AlDub Nation naman ang makikipagbayanihan para sa mga students.  Doon pa lamang sa studio, nagbenta na ang Ticket Worlds ng tickets for the big event at kita na ang mahabang pila ng mga gustong maunang makabili ng tickets.  Pero pwede ring bumili ng tickets sa National Bookstore, Robinson’s Malls, Eastwood Mall at pwede rin sa online ticket sale.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BABY Z DINGDONG DANTES EASTWOOD MALL EAT BULAGA LOLA NIDORA MGA NBSP YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with