Kahit ‘di kumandidato Luis mas magiging abala pa sa kampanya!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 15, 2015 - 10:00am

Ang cute ng bagong commercial ng food chain na ini-endorse ni Angel Locsin.

May pagka-controversial, kaya tiyak magre-react ang mga makakapanood nito.

Abangan.

Sa totoo lang, gumanda at sumeksi lalo si Angel. May pinaghahandaan?

She currently keeps herself busy with her movie with Batangas Governor Vilma Santos and Xian Lim, titled, All of My Life.

A production of Star Cinema, it is directed by Joyce Bernal.

Speaking of Ate Vi, nag-file na rin siya ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC), like her husband Senator Ralph Recto.

As we all know, Ate Vi will run for Congresswoman sa lone district ng Lipa City. Re-electionist naman for the Senate si Senator Ralph.

Wow, tatlu-tatlo pala ang kandidatong tutulungan ni Luis Manzano this election. Tiyak din kasi na tatakbo for the Senate ang kanyang amang si Edu Manzano.

Sam magiging busy na uli!

Happy si Mother Lily Monteverde sa box-office results ng The PreNup, which opened in theaters nationwide Wednesday.

Produced by Mother Lily’s production, Regal Entertainment, pinagbibidahan nina Sam Milby at Jennylyn Mercado ang nasabing pelikula na mula sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Happier si Mother Lily for daughter Roselle, who conceptua­lized The PreNup. Roselle now manages Regal Entertainment, although tutok pa rin si Mother Lily as adviser.

On our end, happy kami for Sam dahil ang tagal na niyang walang pelikula. For a while, namalagi si Sam sa Hollywood para mag-audition for possible roles sa international films.

Magiging busier si Sam since, bukod sa may gagawin siyang movie for Star Cinema, nagsisimula na rin siyang mag-taping for his series, Written in Our Stars for ABS-CBN, co-starring him with Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Sarah Labhati. Si Andoy Ranay naman ang magdidirek nito.

Mga Revilla hataw na rin sa 2016

Tatlo rin sa mga Revilla ang tatakbo for public office in this election 2016.

Re-electionist for Cavite Vice-Governor si Jolo Revilla. Ang kanyang Mommy naman, si Lani Mercado, outgoing Congresswoman ng Bacoor ay tatakbo for Mayor ng Bacoor.

Ang tiyuhin niyang si Strike Revilla, Mayor ng Bacoor for three terms, ay tatakbo for Congressman of the said place.

Beteranang aktres na si Lollie Mara bilib sa pagtataray ni Angelica

At the launch of good friend and occasional entertainment writer-Norma Japitana’s book, Then and Now, a collection of her numerous interviews and encounters with local films stars and producers, maraming fellow journa­lists niya na pawang sikat ang dumalo.

Sa Annabel’s Morato ginanap ang okasyon. Ka-table namin si Mila Magsaysay-Valenzuela, anak ng dating Presidente na si Ramon Magsaysay.

In the same table too, where singer Dulce and actress Lollie Mara na gabi-gabi ay napapanood natin sa sikat na series, Pangako Sa ‘Yo, where she plays a mayordoma.

Hanga raw si Lollie sa dalawang sikat na teenagers na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Mababait daw ang mga ito sa tunay na buhay.

But bilang actress, hats off daw si Lollie kay Angelica Panganiban. Sobrang effective raw nito sa kanyang role bilang kontrabida.

Among the cast, si Angelica ang mas madalas niyang makaeksena dahil ito ang direct lady boss niya. Pangako Sa ‘Yo also stars in the lead Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Amy Austria, Ronnie Lazaro, and Diego Loyzaga, among others.

ALIGN ANG BACOOR LEFT LOLLIE MARA MOTHER LILY PANGAKO SA QUOT REGAL ENTERTAINMENT STAR CINEMA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with