Direk Joel binigyang-hustisya ang Felix Manalo
Vir Gonzales (Pang-masa) - October 14, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Sa big success ng Felix Manalo movie, higit na dapat purihin si Direk Joel Lamangan dahil siya ang guru ng mga gumaganap.

Marahil kung sa ibang direktor ito ibinigay ng Iglesia ni Cristo, hindi ito gaanong mabibigyan ng justice.

Maging sa pagkilos ng mga artistang involved tulad nina Dennis Trillo, Bela Padilla at iba pa, halatang very well instructed si Direk Joel.

Maswerte si Dennis Trillo, kahit isang taon siyang walang pelikula, sulit na ito sa naging kabayaran ng Felix Manalo sa kanya.

Jose pinakamalaswa at haliparot sa kalyeserye

Sa magkakapatid na Lola sa kalye­serye, si Jose Manalo ang pinakamalaswang magbihis.

Talagang idinidisplay niya ang mapuputi niyang hita. At kung sumayaw, daig pa isang haliparot na balerina.

Kung kaya naman siguro nagkaroon ng sangkaterbang lalake sa back ground na kung tawagin ay cuando, cuando, cuando.

Maraming nabigyan ng trabaho si Jose sa mga kinuhang cuando ha. Araw-araw silang may trabaho, hindi tulad noon, nag-aabang lang sila ng mga bibili ng kabaong para sa namatay.

Pinakasuplada naman si Wally Bayola, dahil tatlo or apat lang ang lalaking Rogelios at tipikal naman na kay Paolo Ballesteros magkaroon ng macho dancers sa kanyang likuran.

Isa pang indie ni Nora, naubusan din ng budget

Ano bang nangyari sa movie ni Superstar Nora Aunor, ang Kabisera na kinunan sa Bustos, Plaridel, Bulacan.

Kahit umuulan noon, tuloy ang shooting nila, bakit kaya ito biglang natigil at nawalan ng ingay?

Sayang, maganda pa naman daw ang naturang movie directed by Boy Agustin. May nagtatanong tuloy, kinapos kaya ito sa budget?

Dapat magawan nila ng paraan ito, dahil kapag naging abala na sa Kapuso ang Superstar, tiyak lalong magkakaproblema ang production ng Kabisera.

Mabuti na lang naririyan si Divina Valencia, sa Beautiful strangers sa GMA 7 bilang mother ni Dina Bonnevie. Wala ding kupas ang acting ni Divina, at nagtataray pa rin sa mga pag-arte niya.

Noong araw, pinakaseksing aktres si Divina na kalaban si Stella Suarez. Sabi ni Divina, kahit daw may maganda siyang buhay sa US, still movies pa rin ang nasa utak niya.

Para daw kumunoy na hindi niya maiwanan. Magaling na aktres si Divina at may karapatan maging busy sa teleserye.

ANG BELA PADILLA BOY AGUSTIN DENNIS TRILLO DINA BONNEVIE DIREK JOEL DIREK JOEL LAMANGAN DIVINA DIVINA VALENCIA FELIX MANALO JOSE MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with