Marunong maghinay-hinay, James at Nadine winner kahit ‘di magdyowa
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 13, 2015 - 10:00am

Kung sabagay, tama ring huwag pilitin nina James Reid at Nadine Lustre na magkainlaban sila in real life, para mapagbigyan lang ang clamor ng kanilang fans and followers. Aba, mahirap yata magpeke ng feelings, lalo’t may kinalaman sa pag-ibig.

Actually, hindi lang sina James at Nadine, ‘pag nagkataon, ang naging successful ang team-up, bagama’t walang personal na relasyon na namagitan sa kanila.

Nandiyan ang Susan Roces-Eddie Gutierrez love team, whose movies together, in their time, made box-office history.

And, of course, the tandem nina Batangas Governor Vilma Santos at Christopher de Leon.

At that time na namamayagpag sila as a love team, nali-link si Ate Vi kay Edgar Mortiz, na ngayon ay kilala nang director at producer ng mga gag show, tulad ng Goin’ Bulilit at Banana Split, Extra Scoop.

And the latest is the John Lloyd Cruz at Bea Alonzo tandem. Wala yatang pelikula ang dalawa na ‘di tinatangkilik ng kanilang mga tagahanga at maging ordinary viewers lang.

This early, hinihintay na ang tambalan nila sa puwedeng ituring na successful second chapter ng isa sa pinaka-successful movies nila together, One More Chance.

OTWOL tuloy ang kilig hanggang 2016

This early, makakaasa na ang fans and followers ng On The Wings of Love na patuloy nilang mapapanood ang serye ng paborito nilang sina James at Nadine hanggang next year.

Mismong si Deo Edrinal, head ng Dreamscape Entertainment Television, na siyang producer ng On the Wings… ang nag-announce during a special presscon for the teleserye. At ikinagulat ito nina James, Nadine at maging ni Albie Casiño na kontrabida ng JaDine sa serye.

Tiyak magpapakilig lalo ito sa mga sumusubaybay ang On The Wing…

Roxanne willing makatrabaho ang ex na si Jake

Guess who is back as a Kapamilya?

Walang iba kundi si Roxanne Guinoo na produkto ng Star Circle Quest (SCQ) and, at one time the busiest among the Kapamilya young stars.

Now in her late 20s and mother to two children, ages six and three, respectively, muling magbabalik-telebisyon si Roxane sa bagong seryeng Walang Iwanan.

She has her non-showbiz husband’s permission to resume her showbiz career.

Inspired by a true-to-life story, which was dramatized in the drama anthology, Maalaala Mo Kaya, Walang Iwanan centers on the character of Jose, which child actor Louise Abuel plays, who brought up all his young siblings, when one day they just found their parents missing.

“It is a series which, I think, every parents should watch with their children. Marami silang va­lues na matututunan,” ani Roxanne.

Kasama rin sa cast sina Jhong Hilario and fellow child performers of Louise, Micko Laurente, Jon Michael, Raikko Mateo and Karla Cruz. Featured are John Estrada, Beauty Gonzales and Nicco Manalo.

Direction: Jerome Pobocan.

Sa naging panayam ni Boy Abunda in his late night talk show, Tonight With Boy Abunda, tinanong ni Boy kung papayag ba siyang makatrabaho si Jake Cuenca.

In showbiz, common knowledge na naging mag-sweetheart sina Jake at Roxanne at hindi kumbaga, mapayapa ang kanilang naging break-up.

Roxanne answered gamely: “Why not?’

Roxanne narrated to Boy, too, that she and Jake bumped into each other last Sunday, when they both guested in ASAP 20.

There were no words exchanged between them, basta niyakap daw siya ng mahigpit ni Jake. Na sinuklian din niya ng yakap.

And since alam daw ng kanyang asawa ang na­ging kahapon nila ni Jake, no explanations on her end was needed.

Well, good luck sa iyong comeback. Roxanne.

ACIRC ALBIE CASI ANG ATE VI BANANA SPLIT BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS BEA ALONZO BEAUTY GONZALES AND NICCO MANALO NADINE ROXANNE WALANG IWANAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with