^

Pang Movies

Megan pinuri matapos maghilamos sa putikan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sunud-sunod ang mga mabibigat na eksena ni Megan Young sa top-rating primetime te­leserye ng GMA 7 na MariMar.

Nitong nakaraang linggo lamang ay ipinalabas na ang pagngudngod sa putikan ni Marimar para lang makuha nito ang kuwintas gamit ang bibig niya.

Maraming netizens ang naiyak at bumuhos ang papuri nila para kay Megan sa social media.

Nagulat nga si Megan dahil hindi niya ini-expect na makakatanggap siya ng magagandang feedback sa eksena niyang iyon.

“Actually, that scene was the most crucial of all the scenes I’ve done so far sa MariMar.

“I know na may ganyang eksena kasi tinatanong na ako ng media noong nag-launch kami kung paano ko gagawin ang putik scene.

“Wala pa akong masagot noon kasi matagal pang kukunan ‘yung scene. Pero I was already preparing for it.

“Noong dumating na nga ‘yung scene na ‘yon, I did my best at noong sabihin ni Direk Dom (Zapanta) na ilubog ko ang mukha ko sa putik, I just did it.

“Hindi ko na inisip kung marumi ba ‘yung putik. I just want to do good in that scene and I guess I did okay,” ngiti pa ni Megan.

Lalo pa raw titindi ang mga susunod na eksena dahil sa pagkamatay ng kanyang mga kinalakhang lola at lola na sina Lola Pancho (Tommy Abuel) at Lola Cruz (Nova Villa) dahil sa utos ni Señora Angelika (Jaclyn Jose) kay Nicandro (Dion Ignacio) na sunugin nito ang bahay nila MariMar.

“The succeeding episodes are really mabibigat. ‘Yung scene ko nga sa loob ng kulungan at inaapi ako was really hard. Talagang inilagay ko ang sarili ko sa lugar ng mga nakakulong na wala namang kasalanan.

“I never cried so hard in my entire life talaga. Itong MariMar really tested my ability to act and be this woman na pinagdaanan ang lahat ng hirap at pang-aapi.

“Ready pa ako sa mga mabibigat na eksena. Marami pa ang darating kaya kailangan handa ako parati,” pagtatapos pa ni Megan Young.

Male celebrity na mahilig mag-selfie ng nakahubo, naalarma sa biglang pagkalat ng mga litrato

Sobrang bothered na raw ang male celebrity na ito dahil sa pagkalat sa mga gay websites ng mga litrato niya na hubo’t hubad.

Sana kung katawan lang at pagkalalaki niya ang nakunan, kaso kasama pati ang mukha niya.

Ang nakakatawa pa rito ay siya mismo ang kumuha ng mga litrato niyang iyon kaya malaking tanong kung sino ang nag-leak sa Internet dahil nasa cell phone lang naman niya ang mga iyon?

Hindi nga maipagkakaila ng male celebrity na siya iyon dahil sa ginawang research ng mga bading.

Ikinumpara nila ang kuwarto ng lalaking hubo’t hubad sa Internet sa kuwarto niya noong kunan ng VTR ang male celebrity para sa isang online magazine.

Pareho ang ayos ng TV, picture frames, kurtina, electric fan at pati ang kama.

Ilang male celebrities na ang may ganitong klaseng photos na kumalat at parang nakakalimot sila sa kanilang sarili kapag inatake na sila ng init ng katawan nila.

Ang nakakapagtaka ay kung bakit kailangan kunan pa nila ang sarili nila ng litrato? Tuloy may pruweba na naiiwan at kapag kumalat ay wala silang ibang masisisi kundi ang sarili nila.

Sana ay natuto sila sa nangyari kay Paolo Bediones na nasira ang magandang reputasyon bilang news anchor dahil sa kumalat niyang sex videos. Nawalan din ng mga endorsements si Paolo dahil sa kanyang carelessness.

Kaya sa mga malilibog na mga male celebrities diyan, isipin n’yo muna ang consequences ng gagawin n’yong pagkuha ng sarili ninyo na walang saplot.

Think before you click!

Justin Bieber may maipagmamalaki naman daw, nude photos na kumalat hinangaan pa ng fans

Mabilis naman kumakat sa social media ang mga nude photos ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber.

Nakunan si Bieber ng isang paparazzi habang nagbabakasyon ito sa isang private resort sa Bora-Bora in Tahiti.

Kasama ni Bieber ang nababalitang girlfriend niya ngayon, ang modelong si Jayde Pierce.

Unang lumabas ang mga censored photos ni Bieber na hubo’t hubad at papalakad siya papunta sa isang private pool.

Full frontal shot nga ang mga kuha kay Bieber at wala nga itong kasaplut-saplot.

Kaya naman mas maraming fans ni Bieber ang humanga sa pagkalalaki nito dahil hindi raw pala ito puro yabang dahil may ipagmamalaki naman siya!

Unang lumabas sa The New York Daily News ang mga nude photos ni Bieber hanggang kumalat na nga ito sa Twitter, Facebook, at Instagram.

Noong makabalik sa L.A. si Justin, nakipag-meeting ito agad sa kanyang team para maayos ang mga pangyayaring ito.

May balitang gustong mag-file ng demanda ng singer sa mga online sites na naglabas ng mga nude photos niya dahil na-invade ng kung sino ang kanyang privacy.

Pero may ibang nagsasabi na baka “staged” lang daw itong pagkalat ng naked photos ni Bieber dahil magiging malaking tulong ito para sa gagawin niyang world tour.

ACIRC

ANG

BIEBER

DAHIL

DION IGNACIO

DIREK DOM

JUSTIN BIEBER

MEGAN

MEGAN YOUNG

MGA

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with