_pang-masa
^

Jonalyn may pa-havey na concert sa birthday

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - October 11, 2015 - 10:00am

Walang dahilan para magmukmok si Jonalyn Viray kahit wala na siyang show tuwing Sunday matapos di mapasama sa Sunday PinaSaya.

Mula kasi nang matapos ang Sunday All Stars  nakakaraket na siya tuwing weekends.

Tuloy ngayon ay nahihirapan siyang isingit ang  Sunday PinaSaya na gusto siyang i-guest dahil nga sa sunud-sunod nitong raket tuwing weekends. Naghahanda pa si Jonalyn para sa kanyang concert sa darating na November.

Bale ba ang concert ni Jonalyn ay celebration ng ika-10th anniversary ng kanyang singing career. Nagkataon na natapat ito sa November na birthday din ng singer kaya itinaon na raw niya  sa Nov. 27, Friday ang kanyang concert na gaganapin sa Music Museum na pinamagatang Journey into My Heart.

Mag-i-explore ang singer sa kanyang birthday concert, yun tipong hindi pa niya ginagawa sa kanyang shows noon.  Inimbitahan niya rin sina Bayang Barrios, Cookie Chua, at Lolita Carbon at idagdag pa si Aiza Seguerra sa nasabing concert.

Kakantahin din sa concert ni Jonalyn ang single sa kanyang album na Heart of Glass.

Proud si Jonalyn na sabihin na kinompose at nirekord Niya ang single sa U.S. kasama pa ang dalawa niyang kanta.

Blessings din na maituturing ni Jonalyn na hindi siya napili sa Rak of Aegis kahit na nag-audition siya noon.

Samantala, ayaw subukan ni Jonalyn ang akting dahil hindi raw niya masakripisyo hanggang mada­ling araw ang kanyang oras sa trabaho. Puwede na raw na sa kanya ang guestings lang sa Serye.

AIZA SEGUERRA ANG BAYANG BARRIOS COOKIE CHUA HEART OF GLASS JONALYN JONALYN VIRAY KANYANG LOLITA CARBON MUSIC MUSEUM MY HEART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with