Hindi ko sinabihan si Herbert na tumakbo uling Mayor ng QC – Kris

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 11, 2015 - 10:00am

Waiting ang mga reporter sa comment ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa bagong emote ni Kris Aquino laban sa kanya.

Idinenay ni Kris ang pralala ni Papa Herbert tungkol sa pagkandidato nito sa 2016.

Heto ang emote ni Kris na direktang idinenay na may impluwensya siya sa kandidatura ni Papa Herbert:

“I’ve tried my very best to steer clear of politics because I don’t want to be branded as a meddling sister... This was brought to my attention & I need to speak up since I was mentioned.

“Mayor Bautista last December had asked to be included in the Liberal Party Senate Slate.

“To directly quote P-Noy ‘He isn’t turning down the offer. He asked to be included in the slate.’ Obviously he had a change of heart.

“Wala po akong influence in HB’s decision making. I NEVER ASKED HIM TO SEEK A 3RD TERM AS QUEZON CITY MAYOR. I have no influence on him & he has never given value to my feelings nor my thoughts.

“It is because of our TUMULTUOUS RELATIONS that I was stupid enough to bite the hand that feeds me... I was so apprehensive about shooting MMFF (Metro Manila Film Festival) w/ him that I posted my misguided feelings of hurt & directed them towards Star Cinema. And because of my impulsive move I put in jeopardy what has been almost 20 years of a solid working relationship with ABS-CBN.”

Sa ngalan ng ganda, Arnell tiniis ang karayom para magmukhang bata

Parang mummy na balot na balot ng benda ang mukha ni Arnell Ignacio dahil sa kanyang beautification project.

Tiis ganda si Arnell dahil sure na sure siya na maganda ang magiging resulta ng face and body contouring na ginawa sa kanya ng isang beauty doctor.

Sa edad na 51, seryoso si Arnell na mapanatili ang kanyang beauty. May kinalaman kaya ang boyfriend niya na si Ken El Psalmer?

Pero kahit hindi pa dyowa ni Arnell si Ken, mahilig na talaga siya sa self-improvement. Hindi pa uso noon ang liposuction nang pumayag siya na magpa-lipo kay Dra. Vicki Belo at for a change, pumayag si Arnell na ipakita sa TV ang actual procedure.

Mataas ang pain tolerance ni Arnell kaya parang hindi niya iniinda ang mga tusok ng karayom at matinding pamamaga ng kanyang mukha, sa ngalan ng kagandahan.

Paolo winner na winner ang aura

Ang ganda-ganda ni Paolo Ballesteros sa grand finals ng Dabarkads Pa More noong Sabado.

Winner na winner ang aura ni Paolo at nang bumulaga ito sa TV, feel ko na siya ang tatanghalin na grand winner at hindi ako nagkamali ng hula.

Kung naging tunay na babae si Paolo, magandang-maganda siya at matatalbugan niya ang ibang mga artista.

Parang si Paolo si Arnell na nagtiis ganda para siya ang mag-win sa grand finals ng Dabarkads Pa More. Itsurang nagkasugat-sugat ang kanyang mga palad at alak-alakan, naglambitin si Paolo mula sa kisame ng Eat Bulaga studio para mag-win siya.

Alden sinuportahan ng mga kamag-anak

Rumampa agad si Alden Richards sa Tokyo sa unang araw niya sa Tokyo noong Biyernes dahil hindi na siya makakagala pa kapag nagsimula na ang rehearsal nila ni AiAi delas Alas para sa show ng GMA Pinoy TV.

May mga kamag-anak si Alden sa Japan dahil dito nakatira ang tita niya.

Ang tiya ni Alden sa Japan ang tumulong sa pamilya nila nang magkasakit ang nanay niya. Siya ang tita na tinutukoy sa life story ni Alden na isinadula ng Magpakailanman ni Mama Mel Tiangco.

Siyempre, pinanood ng mga kamag-anak ni Alden sa Japan ang show nila kahapon ni AiAi sa Central Tokyo.

Happy ang GMA Pinoy TV management dahil successful ang kanilang 10th anniversary show sa Tokyo.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ARNELL ARNELL IGNACIO CENTRAL TOKYO DABARKADS PA MORE EAT BULAGA KEN EL PSALMER PAPA HERBERT SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with