AlDub fans going strong pa rin kahit maraming naninira
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 10, 2015 - 10:00am

Nabigo ang isang writer na nagpakalat sa iba’t ibang dyaryo ng isinulat niyang paninira sa AlDub Nation, fans nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Wala kasing pumik-ap nito, kahit ibang writers at sinuman sa fans para mapag-usapan. 

Sabi nga ng nakausap namin, late na iyong isinulat niya dahil nagkapaliwanagan na sina Lea Salonga at Joey de Leon tungkol sa issue kaya kahit nanggagalaiti siya sa galit, wa epek na rin. 

Napatunayan tuloy na may unity talaga ang AlDub fans at ayaw nilang maging nega, mas gusto nilang mag-spread ng peace and unity to everyone.

Nora makakatrabaho uli si Eddie pagkatapos ng dalawang dekada

Sa pocket presscon na ipinatawag ni Boy Palma para sa Fil-Canadian talent niyang si Kevin Poblacion, siya muna ang nakamusta namin tungkol kay Superstar Nora Aunor na ngayon ay gagawa ng isang drama series sa GMA 7, her first, sa Little Mommy, na magkakasama-sama silang tatlong icons ng Philippine Cinema na sina Eddie Garcia, Bembol Roco. 

Hindi nga raw in-expect ni Guy na muli silang magkakatrabaho ni Eddie Garcia dahil twenty years ago pa pala nang huling magkasama sila sa isang movie ng Viva Films, ang Bakit May Kahapon Pa? Pero una raw naidirek ni Eddie si Guy sa movie nitong Atsay noong 1979 Metro Manila Film Festival.

Tatapusin daw lamang ni Guy ang isang movie na ginagawa niya ngayon at pagkatapos magpapahinga na muna ito at magku-concentrate na lamang sa Little Mommy na ididirek ni Ricky Davao.

Kevin iniwan ang magandang buhay sa Canada para mag-artista

Iniwan ni Kevin Poblacion ang magandang buhay niya sa Canada, para lamang tuparin niya ang dream niyang maging artista. Isinilang siya sa Winnipeg, Manitoba, Canada noong August 5, 1995, pero noong two years old siya, bumisita siya ng Pilipinas at dalawang taon siyang nanirahan sa bayan ng parents niyang sina Bernardo Poblacion at Jean Lopez-Poblacion sa Badiangan, Iloilo City. 

Nagustuhan niya ang mga tao at kultura sa Iloilo pero kailangan niyang bumalik ng Canada para tapusin doon ang studies niya.  

Sa Canada na tinapos ni Kevin ang high school at nag-graduate siya ng college, on Tourism & Flight Attendant Course sa Canadian Tourism College sa Vancouver.  Nag-try din siyang magtrabaho sa A&W Fastfood Restaurant pero muling naungkat ng parents niya na gusto nilang parehong pasukin ng older brother niya ang showbiz.  Pero si Kevin lamang ang bumalik ng Pilipinas to pursue his dream.

Tamang-tamang nakilala ng parents niya si Boy Palma na siyang nagma-manage kay Nora Aunor at siya na ang tumulong kay Kevin para makapag-join ng workshop ng Star Magic, under director Rhyan Carlos.  Bukod sa acting workshop, papasok na rin si Kevin sa dancing and singing workshop at mag-aaral din siyang magsalita ng Tagalog. 

Loveless si Kevin pero dati raw sa Canada, may girlfriend siya. May nakilala na ba siyang taga-Star Magic, sino ang crush niya sa kanila?  Noon din ay crush niya si Kim Chiu dahil mahilig siya sa chinita, pero ngayon, crush na niya si Liza Soberano at sana raw ay makatrabaho niya ito.  Nakilala na rin daw niya si Aiza Seguerra at Iñigo Pascual sa ABS-CBN. 

Sa ngayon, focus raw muna siya sa mga workshops niya.

AIZA SEGUERRA ANG BOY PALMA EDDIE GARCIA KEVIN KEVIN POBLACION LITTLE MOMMY NBSP NIYA SIYA STAR MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with