Plastikan nina Maja at Kim, natuldukan na raw!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 9, 2015 - 10:00am

Hindi man tahasang sinabi ni Maja Salvador, she and Kim Chiu are back as friends. It’s like old times daw, kapag nag-uusap sila, while both awaiting for their respective numbers sa ASAP20.

Matatandaang nagkaroon ng gap ang original best friends, when, after Kim’s tearful break-up with Gerald Anderson, tinanggap ni Maja bilang boyfriend ang huli.

But now, of course, they are on the same boat, kumbaga. Break na rin sina Maja at Gerald.

Wonder nga pala if Maja would invite Kim to do a guest appearance in her November 13 concert at MOA (Mall of Asia Arena), called Majasty.

Like Maja, Kim is now a singer, too.

Rachel Alejandro balik sa pagku-concert

Balik-concert scene na ang singer na si Rachel Alejandro, na katatapos lang sa pelikulang Ang Larawan, the Filipino musical, based on Nick Joaquin’s play Portrait of the Artist as Filipino.

Bibida naman siya on a show, titled Back2Back at 12 Monkeys, sa October 20 kasama ang pinsang si Niño Alejandro and with brother, Ali Alejandro, on drums.

Matagal-tagal na rin ang huling concert ni Rachel. She has been busy with other projects, Rachel cited. Bukod sa Ang Larawan, Rachel focused herself on the diet food business, The Sexy Chef, which she put up kasama ang kanyang kapatid na si Barni.

“Ang gandang isipin na in more than 10 years we put up The Sexy Chef, nakatulong kami sa puwedeng ituring na food revolution sa Pilipinas.

“Marami na sa ating mga Pilipino ang naniniwala ng kahalagahan ng healthy eating,” turing pa ni Rachel.

Rachel co-authored, too, a cookbook on healthy lifestyle with Barni. Titled The Sexy Chef Cookbook, ito ay 168-page full color volume published by Summit Media.

Kasal si Rachel sa isang Spanish journalist at wala silang anak.

Bloomberg Philippines, hahataw na

Sa presscon ng regular broadcasts of Bloomberg TV Philippines (BloombergTVPh) on Cignal TV, someone from the entertainment press asked, in particular, host Tony Abad, lawyer and law professor, economist at isa sa country’s foremost experts on international trade, who he thinks, is the most capable among the Presidentiables (Mar Roxas, Grace Poe, and Vice President Jojo Binay) can best help the country’s business boom and bloom. Ayon sa kanya, it’s still hard to tell. Until, he said, all of them start articulating at isa-isahin ang kanilang mga plataporma.

The rest of the anchors of Bloomberg TV Philippines are like Mr. Abad, not only talented, they are all well-versed sa kasalukuyang intricacies ng business at economics sa Pilipinas. Ito ay kinabibilangan nina Quintin Pastrana, top-notch entrepreneur and social advocate; Shawn Yao, seasoned TV correspondent; JR Ong, finance analyst, management specialist and the team’s Bloomberg Terminal whiz; Jean de Castro, corporate lawyer and commercial arbitration specialist, Regina Lay, veteran international business reporter; Michael Alimu­rung, Silicon Valley geek slash marathon slash entrepreneur, and Rod Nepomuceno whiz and media man.

Ang Bloomberg TV ay isang 24-hour, 7 days business channel.

Tates Gana hindi na mapipigilan sa pagkandidato

Tuloy pala ang pagkandidato for Congresswoman for the sixth district ng Quezon City si Tates Gana.

Dating kilala as First lady ng Quezon City si Tates, who is Mom to two of Quezon City Mayor Herbert Bautista’s two children, Harvey and Athena.

Samantala, sa mismong araw ng pag-file ng kanilang pagiging kandidato malalaman kung tatakbo ba bilang Quezon City Mayor muli si Mayor Herbert Bautista, o magse-senador siya.

ACIRC ALIGN ANG ANG LARAWAN BLOOMBERG LEFT MAJA QUEZON CITY QUOT RACHEL STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with