Rez nami-miss maging ‘rapist’!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - October 5, 2015 - 10:00am

May sagot ang presidente ng Actors’ Guild na si Rez Cortez sa isyu ng ampon o citizenship ni Grace Poe sa mga kalaban ng senadora. May binuo silang grupo na tinawag nilang Adopt Grace Movement.

Marami na kasing mamamayan at grupo na gustong ampunin ang senadora. Para matupad ang wish ng marami na makatulong kay Grace, nag-organize si Rez na lahat ng sasaling volunteer ay bibigyan ng chance na magpakuha ng picture hawak ang card o slogan na may mensahe para sa senadora.

Halimbawa ng mga inihandang card o slogan na may messages na nakasulat ay kung gusto nilang ampunin si Grace o puwede ring gusto nilang maging BFF ang anak ni Fernando Poe, Jr. (FPJ), at marami pang pagpipilian bilang pagbibigay nila ng supporta kay Sen. Poe.

Bale ba, ang grupo ay binuo originally ng supporters pa ni FPJ, na hanggang ngayon ay solid din ang suporta kay Grace.

Hindi naman pinakikinggan ni Rez ang sinasabi ng kalaban ni Grace na hindi pa hinog ang senadora sa pagtakbong presidente sa darating na eleksyon. Kung pagbabatayan daw ang excellent performance nito sa Senado ay pasado na ito. Wala rin daw iniilagan si Grace nung panahon ng paglilitis sa Mamasapano at kahit nadiskubre ng senadora na may pananagutan din si P-Noy sa operation ng mga sundalong nasawi, hindi ito nag-alangang busisiin ang isyu.

Samantala, nag-iimbita rin si Mr. Rez sa gagawing workshop ng Actors’ Guild ngayong Oct. 18 at sa susunod pang batch sa Oct. 24 & 25. Maaari na raw magpa-register sa Chairman committee ng nasabing workshop na si Jackie Oda sa 0998-5227632. Puwede ring mag-log on sa Facebook ng Kapisanan ng Arista sa Pelikula at Telebisyon. Ang nasabing workshop ay may apat na session na ginagawa sa MOWELFUND.

Kasama sa cast si Rez ng Beautiful Stranger sa GMA 7. Mabait ang role niya rito at wish ng aktor na humaba pa ang kanyang exposure para raw may raket pa siya. Nami-miss na rin niyang lumabas na kontrabida ‘yung tipong rapist at mamamatay-tao. Mas matagal raw kasi ang role niya kapag salbahe.

Ang role kasi niya sa Dream Dad na mabait ay pinatay agad. Kaya nininiwala na raw siya sa kasabihang ang masamang damo ay matagal mamatay.

May raket din si Rez na movie tulad ng Sekyu, Makata na ayaw niyang i-label as indie film dahil iisa lang naman daw ang ginagalawang industriya ng mga artista na dapat ay nagtutulungan. Meron din siyang natapos na comedy film kasama sina Maricel Soriano, Herbert Bautista, at Candy Pangilinan under Viva Films na may title Lumayo Ka Nga sa Akin.

ADOPT GRACE MOVEMENT ANG BEAUTIFUL STRANGER CANDY PANGILINAN DREAM DAD FERNANDO POE GRACE GRACE POE HERBERT BAUTISTA JACKIE ODA REZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with