^

Pang Movies

Dabarkads Princess Ryzza Mae Dizon, special project si Alden

Pang-masa

MANILA, Philippines – Si Aling Maliit, mula sa pagiging pinakabatang talk show host sa Pilipinas, araw-araw na ngayong sasabak sa aktingan bilang si Princess sa te­ledramang Princess in the Palace. At ngayong Linggo, dahil nalilinya na si Ryzza sa pag-arte, hahamunin siya ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na isabuhay muli ang ilan sa mga di malilimutang eksena sa pelikula at telebisyon.

Hindi lang ‘yan – dahil mala-Presidential daughter siya sa kanyang soap opera, bibigyan din ng KMJS si Princess  ng isang special project – ang tuparin ang kahilingan ni Catherine na matatandaang napaanak habang nanonood ng Kalyeserye. Nais kasi ni Catherine na kuning ninong sa binyag ng kanyang sanggol si Alden Richards!  Matutupad kaya ito ng Prinsesa ng dabarkads?

Mapapanood din ngayong Linggo ang pagpapakitang-gilas ni Goodie, isang walong taong gulang na batang talaga namang nakabibilib ang cheerleading stunts; ang iba’t ibang klase ng paboritong Arroz a la Valenciana; at ang nagmimilagro raw na mga talulot ng rosas o rose petals na iniaalay sa imahen ng Birheng Maria sa isang mini-chapel sa Quezon City!

Iyan at marami pang iba ang dapat na abangan ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho pagkatapos ng Ismol Family sa GMA-7.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BIRHENG MARIA

ISMOL FAMILY

IYAN

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

LINGGO

QUEZON CITY

SI ALING MALIIT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with