_pang-masa
^

Yellow shirts tinawag na horny DJ Mo hindi mapigilang makisawsaw kahit wala sa ‘Pinas

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 3, 2015 - 10:00am

Hindi na naman napigilan na makisawsaw ni DJ Mo Twister.

Kahit wala nga sa bansa si Mo, lagi siyag updated sa mga nangyayari sa Pilipinas, mapa-showbiz man o politics.

Nitong huling mga post niya sa I­nstagram, naging topic niya ang “twerk scandal” na naganap sa isang event ng Liberal Party sa Biñan, Laguna.

Naging headline nga ang pag-imbita sa trio ng sexy dancers na kung tawagin ay Playgirls sa naganap na birthday party ni Laguna Rep. Benjamin Aragao, Jr. noong nakaraang October 1.

Present din sa naturang event na iyon ang Presidential bet ng Liberal Party na si Sec. Mar Roxas. Pero noong mag-perform na raw ang mga Playgirls sa entablado ay nagpaalam na raw ito.

Sa unang video na pinost ni DJ Mo, heto ang kanyang na­ging captions:

“Political campaigning: It’s More Fun In The Philippines!

“So yeah, this happened at a LP gathering today attended by Presidential hopeful Mar Roxas as they celebrated in their horny yellow shirts the birthday of Laguna Congressman Benjie Agarao and according to the news, these girls were paid by Senatorial hopeful/MMDA Chairman (Francis) Tolentino…”

Sa second video naman, nabanggit pa ni DJ Mo sina President Noynoy Aquino at ang kanyang mga “friends” dahil sa twerk scandal

“Forget radio, television, podcasting, f**k it. I’m getting into politics. They get way more action than I do — and you idiot voters get to pay for it! That’s winning.

“Somewhere out there, these poor girls were paid with a stack of P500 bills, and that face on that bill must be disgusted that he let his son and his friends use it for this.”

Pinabulaanan ni Tolentino na siya ang nang-imbita sa Playgirls para mag-perform sa naturang event.

Nagpaabot ng paumanhin si Agarao kay Tolentino dahil ang kaibigan niya ang siyang nang-imbita sa Playgirls at nagkamali lang daw ang emcee ng event sa pagbanggit ng pangalan ni Tolentino kaugnay sa pag-perform ng Playgirls.

Ang manager ng Playgirls na si Michael Tupaz ang nagsabi na ang nag-invite sa kanila sa event na iyon ay isang nagngangalang Joanna.

Naging kontrobersyal tuloy ang mga Playgirls at kumalat ang video ng kanilang pag-perform sa event na iyon ng Liberal Party.

Alden ginulat ng fans sa Cebu

Nagpapasalamat ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa mga Cebuano na naghintay sa kanya para sa naganap niyang Kapuso Fans Day sa Gaisano Island Mall in Lapu-Lapu City, Cebu.

Isa si Alden sa mga nakasamang na-delay ang flight dahil sa naging technical problems sa booking ng Cebu Pacific Airlines.

Dapat ay alas-kuwatro ang flight ni Alden for Cebu, pero inabot na raw siya ng pasado alas sais bago na-confirm ang kanyang flight to Cebu.

Pagka-land sa Mactan Airport ay nagmadali ang grupo ni Alden na dalhin siya sa venue kung saan libu-libong tao ang naghihintay sa ka-loveteam ni Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Hindi makapaniwala si Alden sa rami ng taong naghintay sa kanya.

Nakailang beses na raw siyang nag-show sa Cebu noon pero ngayon lang daw niya naranasan ang gano’ng karaming tao na manood ng kanyang show.

Tunay ngang isa na sa pinakasikat na artista ngayon si Alden dahil kahit na na-late siya ng isang oras, hindi umalis ang mga tao, bagkus ay nadagdagan pa raw.

Nick Jonas ayaw i-share ang relasyon nila ni Kate Hudson

Tahimik lang si Nick Jonas sa mga bali-balitang nagde-date na sila ng Hollywood actress na si Kate Hudson.

Ilang beses na kasing namataan sina Nick at Kate na magkasama sa ilang mga lugar.

Sa isang guesting ni Nick sa isang sikat na radio station, tinanong nga siya tungkol sa pagkaka-link niya sa Oscar nominated actress.

Pero walang nakuhang sagot na diretso ang host ng radio show kay Nick.

“I keep some things to myself. The Internet’s a strange place where, I feel like one little thing can turn into a lot.

“But it’s about how much of that you kind of want in your world and just living your life and knowing that people will have an opinion,” sey pa ni Nick.

Nakita ngang magkasama sina Nick at Kate sa Disney World Orlando at sumakay pa sila sa rollercoaster. Tapos ay nakita si Kate na nanood ng show ni Nick sa House of Blues.

Huli silang nakita sa Soho Beach House in Miami.

Pero ayon sa isang source ng E!, friends pa lang daw ang dalawa.

Huling girlfriend ni Nick si 2013 Miss Universe Olivia Culpo at kelan lang ay na-link siya kay Kendall Jenner.

Si Kate naman ay matagal nang divorced sa kanyang mister na si Chris Robinson. Naghiwalay na rin sila ng kanyang fiancé na si Matthew Bellamy.

ACIRC ANG CEBU KATE KATE HUDSON LIBERAL PARTY MAR ROXAS MGA NICK NICK JONAS TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with