Kinantahan pa habang naggigitara Kuh agad-agad nabingwit si Fernando Carillo!
Rodel C. Lugo (Pang-masa) - October 2, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - “Ang guwapo pa rin niya hanggang ngayon!” bulalas ni Kuh Ledesma nang makita si Fernando Carillo dalawang buwan na ang nakararaan. Para raw hindi nagbago ang hitsura ng aktor mula nang una siyang mapanood sa original hit Mexicanovela na Marimar kapareha si Thalia.

Isa si Fernando sa guests ni Kuh sa kanyang 35+ The Kuhl Event na kanyang selebrasyon sa ika-35 taon niya sa industriya. Kakanta raw ang Venezuelan actor habang naggigitara.

Natatawa naman si Kuh habang nagkukuwento na nag-nosebleed daw siya nang turuan siya nitong magsalita ng Spanish, “It was kind of a nosebleed because he was teaching me Spanish and ako naman puro, Que?” Kinuwentuhan pa raw siya ng actor ng istorya ng kanyang journey bilang artist maging ng buhay nito.

Sinabi rin ni Kuh na agad-agad pumayag ang Venezuelan actor nang imbitahin niya itong mag-perform sa kanyang concert.

Ang concert ay magaganap sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Center Main Auditorium sa Tiendesitas along C5 sa Pasig sa October 16, at 7 p.m. Ayon kay Kuh, “It must be the best auditorium right now with state of the art equipment and seats that are first class. Also I feel so at home at my home church.”

Ipinaliwanag din ni Kuh na hindi naman daw ito isang gospel show, “It is a pop-inspirational, but it will be very entertaining and visual. A story of my life in music. My journey finding a better life. My 35 plus years in show business was all a plan of God and He continues to shape my story for His glory.”

May special reason daw si Kuh kung bakit dito niya gagawin ang concert. “I did some inspirational concerts in the U.S. and some here, pero feeling ko mas maganda talaga sa isang simbahan to do an inspirational show and really give back glory to God.”

Siniguro naman ni Kuh na hindi mawawala ang kanyang timeless hits sa kanyang mga kakantahin. “If I were to choose among my songs which I would consider as timeless, it’s Till I Met You. Even the younger ones are familiar with it and it has been remade by Regine and Angeline (Quinto),” aniya.

Kahit nakaka-35 years na siya sa industriya ay alam niya kung bakit timeless at relevant pa rin siya bilang artist. “I can only say that it is really the hand of God that sustains me. My prayer is that God continues to widen my sphere of influence so that I can bring more people to Him and in doing that, it has become a tremendous blessing in my life,” pagtatapos ng Pop Diva.

Ang kanyang mga kinu-consider na “plus” (guests) sa 35+ The Kuhl Event ay kinabibilangan nina Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Jaya, at Tirso Cruz III na siyang naging bahagi ng kanyang 35 years sa industriya. Kasama rin sa show ang anak niyang si Isabella, si Migo ng StarStruck, at ang Perkins Twins na sina Jesse at Christian.

Ang tickets sa nasabing show ay nagkakahalaga ng P3,000, P2,500, P2,000, at P750. Para sa iba pang impormasyon at reservations, maaa­ring tumawag sa mga numero bilang 5310688 at 09178139065.

             

ACIRC ALSO I ANG CENTER MAIN AUDITORIUM COMMISSION FELLOWSHIP FERNANDO CARILLO GARY VALENCIANO KANYANG KUH KUHL EVENT NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with