Alden at Maine ayaw pumatol sa mga nega!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 28, 2015 - 10:00am

Natuwa ako nang ipakita sa akin ni Ricky Lo na marami ang nag-like sa picture namin ni Maine Mendoza sa mansion ni Lola Nidora.

Naka-post sa Instagram account ni Papa Ricky ang picture namin ni Yaya Dub na kuha nang puntahan namin siya noong Sabado sa 9th Street, New Manila, Quezon City.

Wala akong kopya ng picture namin ni Yaya Dub dahil ang cell phone camera ni Papa Ricky ang ginamit nito para sa photo op namin ng hottest star of the hour.

Gustung-gusto ng fans si Yaya Dub dahil wholesome at positive ang kanyang image. Kapag may mga pumintas sa kanya, ang fans nila ni Alden Richards ang super-react pero si Yaya Dub, cool na cool lang dahil ayaw niya na may mga nag-aaway at nagkakalat ng negative vibes.

Parehong-pareho ng aura sina Yaya Dub at Alden na walang kapintasan dahil mahusay makisama at likas na mabait.

Advance selling ng Felix Manalo, magandang idea

Positive ang mga feedback tungkol sa advance ticket selling kahapon sa mga sinehan para sa Felix Manalo.

Marami ang bumili ng tickets para sa opening day ng epic movie ng Viva Films sa October 7 dahil ayaw nila na pumila nang mahaba sa box office.

Tama ang desisyon ng Viva Films na magkaroon ng advance ticket selling dahil maiiwasan ang pagsisiksikan ng moviegoers sa mga sinehan na pagtatanghalan ng Felix Manalo.

Aktres na laos, lumutang na naman daw ang dating ugali

Malamang na hindi na masundan o mabigyan ng bagong movie project ang nagbabalik-showbiz na aktres dahil sa sakit ng ulo na ibinibigay niya sa production staff.

Ang sey ng aking source, walang katotohanan na nagbagong-buhay na ang aktres at lalong hindi totoo na nag-mellow na siya.

Umiiral pa rin ang attitude problem ng aktres na taglay pa rin ang ugaling diva na hindi na uso ngayon sa showbiz.

Gustung-gusto na ng production staff na matapos na ang showing ng kanilang pelikula para hindi na sila ginugulo ng aktres na nalaos na pero feeling sikat pa rin.

Aktor sangkatutak ang ibinigay na problema sa mga katrabaho

May male counterpart ang aktres na hobby na ang magbigay ng problema sa kanyang co-stars at sa production crew.

Lumobo na rin nang husto ang ulo ng aktor kaya malapit nang sumuko ang manager niya.

Pati ang movie producer na nagbigay sa aktor ng malaking break sa pelikula, nawalan na rin ng gana dahil sa sangkatutak na problema na ibinigay sa kanya.

Sumumpa ang producer na hindi na niya kukunin ang aktor sa kanyang mga future movie projects. Marami nang nakatrabaho na pasaway na artista ang producer pero kakaiba raw ang kasamaan ng ugali ng aktor na nag-iilusyon na superstar siya.

Gov. Vi at mga anak na sina Luis at Ryan, nag-cover sa YES!

Si Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ang kanyang mga anak na sina Luis at Ryan Christian ang cover ng October 2015 issue ng YES! Magazine.

Sa sobrang busy ng schedule ni Mama Vi, napagbigyan niya ang request na cover pictorial ng YES! staff na tuwang-tuwa dahil napakadali na katrabaho ng mag-iina.

Available na ang October issue ng YES! sa mga bookstore at magazine stands at sisi­guraduhin ko na makakakuha ako ng kopya.

ALDEN RICHARDS ANG DAHIL FELIX MANALO GUSTUNG LOLA NIDORA MGA PAPA RICKY STRONG VIVA FILMS YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with