Glaiza naiiyak ‘pag nabibili ang album
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 27, 2015 - 10:00am

Super happy si Glaiza de Castro dahil na-sold-out agad ang tickets para sa kanyang first concert sa Music Museum on October 3 titled Dreams Never End.

Pati ang album ni Glaiza na Synthesis ay para­ting sold out din.

“Available lang ang album sa resto namin na Runner’s Kitchen along Tomas Morato. Parating nauubos.

“Tuwing may mall shows naman ako, nagbebenta kami at nauubos din.

“Initially, 1,000 copies lang ang pina-print namin. Happy na ako kung maubos iyon. Ngayon nakaka-8,000 prints na kami.

“Hopefully mag-Gold Record siya dahil labor of love ang album na iyon. Talagang combined efforts iyon namin magkakaibigan most especially my two good friends in showbiz na sina Angelica Panganiban and Alessandra de Rossi.

“Kapag nalalaman naming sold-out ang CD, naiiyak ako sa tuwa kasi hindi ko naman inaasahan na mabebenta siya ng gano’n. Gusto ko lang ilabas ang pagiging music lover ko kasi singing talaga ang una kong love bago ang acting.”

Special guest ni Glaiza sa kanyang first ever concert ay sina Aiza Seguerra, Kitchie Nadal, Jay-R at Regine Velasquez-Alcasid.

Ang show lang ngayon ni Glaiza sa GMA 7 ay Vampire Ang Daddy Ko. Wala pa raw siyang bagong teleserye dahil magiging busy siya sa mga gagawing shows abroad.

May mga series of shows siyang gagawin sa Singapore at Canada.

“Pero may natapos naman akong indie film titled Sleepless na kasama sa Quezon City Film Festival in November. Kasama ko rito sina Dominic Roco and TJ Trinidad. Tungkol ito sa mga call center agents.”

Tungkol sa rumors na sila na raw ni Benjamin Alves, sey ni Glaiza na hindi raw sila. Close lang daw talaga sila ni Benjamin dahil pareho ang sport na gusto nila which is running.

Ronnie Liang nakasakay sa AlDub

Nagulat na lang ang singer-actor na si Ronnie Liang dahil ang kanyang hit single na Ngiti ay isa sa favorite na gamitin sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Madalas gamitin ito tuwing nagda-dubsmash sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Kasama sa favorites ng AlDub ay ang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran; I’ll Never Go Far Away From You ng Introvoys; Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin ni Angeline Quinto at siyempre ang God Gave Me You ni Bryan White.

Nagulat na lang si Ronnie nang may mga nagtu-tweet sa kanya na isa sa paborito nila ang song na Ngiti na ginagamit sa kalyeserye.

“Siyempre po malaking karangalan na napili nila ang song ko para sa AlDub loveteam.

“Nakapanood nga ako minsan at nakakakilig nga sila.

“Tapos bumagay ang song na Ngiti sa kanila. Bagay silang dalawa actually,” ngiti pa ni Ronnie.

Gusto rin ni Ronnie na balang araw ay makilala niya ang nagda-dubsmash ng song niya na sina Alden at Yaya Dub.

“Gusto kong magpasalamat sa kanila kasi mas napasikat pa nila ang awit ko.

“Parati nga siyang nare-request sa radio at ngayon kasama pa siya sa kalyeserye.”

Kasama sa unang album ni Ronnie na Ang Aking Awitin ang single na Ngiti na ni-release noong 2007 sa ilalim ng Universal Records.

Ito nga ang masasabing nag-iisang big hit single ni Ronnie pagkatapos siyang makilala dahil sa pagsali niya sa kauna-unahang Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN noong 2006 kunsaan naging 2nd runner-up siya sa winner na si Yeng Constantino.

Ngayon ay may daring image na si Ronnie dahil sa pagbida niya sa controversial art film ng nagbabalik na si Elwood Perez na Esoterika: Maynila.

Change of name at gender aprubado na Caitlyn Jenner certified female na!

Hindi na gagamitin pa ni Caitlyn Jenner ang kanyang birth name na Bruce Jenner dahil inaprubahan na ng Los Angeles County judge ang kanyang official change of name and gender.

Sa lahat ng mga valid IDs ay mailalagay na officially ang Caityln Jenner na at ang kanyang gender ay Female.

Personal na inasikaso ito ng former Olympic decathlon gold medalist dahil gusto na niyang ibaon sa nakaraan ang dati niyang buhay bilang Bruce Jenner at magsimula siya ng panibago bilang Caitlyn Jenner.

Ayon pa sa 65-year old transgender, ilang dekada raw niyang tinago ang tunay niyang pagkatao at ngayon na ang panahon para maging totoo na siya sa sarili niya.

ACIRC ANG BRUCE JENNER CAITLYN JENNER DAHIL GLAIZA KASAMA NGITI RONNIE RONNIE LIANG YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with